Huling Monday ng unang buwan ng Club.
Huling Monday ng June..
Yun na nga, huling linggo na nga, di parin ako pinapansin ni Pipipi.. Iish.. Kasalanan ko na talaga. :I
"Jazz.." Tapik ni Rence "Anu meron sa inyo ni Pio?" tinanong niya habang ako, nakatitig parin sa labas magdamag
"huh?" napatingin ako "Wala naman.." tingin ulit sa labas
"Ooh.." um-oo nalang si Rence at di na nagtanong
Simula nung huling tinginan namin ni Pipipi, hindi na kami nagpansinan.. Hindi ko siya kinikibo(hindi ko naman talaga siya kinikibo kung hindi siya mauuna), ganun din siya sa'kin.. Si Rence nalang parati ko kausap, pinaghahatian namin siya ni Pipipi.. Hehehe
"Okay Music! Kaya niyo pa ba?" sigaw ni Sir Santos
"Yes sir!" sagot naman ang lahat
lumapit sakin ni Sir Santos sabay bumulong "anung meron?" sabay tingin kay Pipipi na busing busy matulog "isang buong linggo ko ata di narinig ang kulitan ninyo?" pahabol tanong ni Sir
"huh? Wala naman.." sagot ko
"yan din sinagot niya sakin Sir" paburyong singit ni Rence
"hmm kung anu man yang problema niyo wag niyo dadalin sa Club ah" advice ni Sir
"baket ser? may nakakapansin ba?" tanong ko
"tignan mo paligid mo" pagtingin ko sa paligid ko, antahimik nga ng Club ngayon
"eh baka wala rin sa mood mga members sir" sabay salongbaba ako
"tangek, malamang nararamdaman din namin yun no" binatukan ako ni sir sabay pasungit na umalis
"di naman kami magtatanong kung wala kaming nakikita o nararamdaman" pagdadrama ni Rence na mukhang namimiss na ang trio namin "hindi na rin sumasabay sakin ni Pio at hindi na nangungulit tulad ng dati"
"tinanong mo ba siya anung problema niya?" tanong ko kay Rence
"oo"
"ano namang sabi niya?"
"wala. tulad mo. wala."
"hmm" tinitigan ko si Rence
"baket ka nakatitig sakin???"
"bakla ka ba?" sabay ngiti ako
bumusangot ang Rence sabay "hindi. Naririnig mo ba sarili mo Jazz?"
"hehehe hula ko lang naman. Mukhang magkakatuluyan kayo ni Pipipi kung sakali. Hohoho" inasar ko na siya
"haha nakuha mo naring mangulit Jazz" tawa ng mokong "ang kulang lang ng araw ko"
"ganun din ako" sabay simangot
"kausapin mo na kasi si Pio"
"desperado ka na?" pang-aasar ko ulit
"miss mo rin naman siya eh"
"hindi no, ako naman may gustong layuan niya ko eh"
"bahala ka" sabay tumahimik na ang Rence
Totoo nga, kulang ang araw ko, kulang na kulang, sa loob ng tatlong linggo nagin close ko na sila, parang ilang taon na kaming magkakaibigan at magkasama. Nakakainis. Kaya siguro di ako mapalagay.. Pero, aasarin at pagkakaguluhan nanaman ako ng mga kaklase ko kung papansinin ko ulit si Pipipi. Kaya wag nalang. Hayaan nalang nating ganito.. Mas maigi nang ganito.
Umalis na si Rence sa tabi ko, at lumapit naman kay Pipipi. Naguusap sila. Sabay natulog ulit ang Pipipi. Nakakamiss nga naman, madalas pagpasok ko palang sa Clubroom bubungad agad si Pipipi ng 'HI PRES!' sabay mangungulit at si Rence pagtatawanan lang kami at sasabihin "Ang cute niyong dalawa" brr cute pa, di naman. Makulit lang siguro. Pero di kami cute. Maganda ako, oo. Haha biro lang.
Tapos na club meeting, nagkakalihisan kami ng tingin ni Pipipi, yun lang..
..yun lang yun.
No comments:
Post a Comment