Sa Classroom. Chemistry Class..
Ba yan.. Kalokohan kasi ng mokong napunta sa wala pagtakas ko sakanila sa class kanina. Bwisit.. Bigla ko tuloy naalala yung drawer moment.. LECHE! >.< di na talaga ako lalapit dun! Blackmail pa aysus! Grr..
Habang nagkaklase hindi mawala sa isip ko yung drawer moment. Yung panahong lalapit na yung Nurse sa drawer kung san naggigitgitan kami ni Pipipi.. Tapos yung napapakapit nako sakanya kasi binablackmail niya ako sa pagbitaw.. Ang lapit ng pagmumukha niya sakin huh.. Tas.. Tas yung.. SH*T! A-ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Nakakainis! Yung.. Grr.. Tumatak na isip ko yung pagmumukha niya .. Yung mukha niya.. Nung..
"jazz!" tapik ni Carrie tropa ko, katabi ko sa classroom "kanina ka pa tinatawag ni ma'am"
"MENDOZA!" biglang tawag naman ng teacher namin na si Ms. Sayson
"YES MA'AM!" napatayo naman ako agad
"namumutla ka, ayos ka lang?" tanong niya "wala ka nanaman sa sarili mo"
tahimik lang ako
"ma'am! baka iniisip si crush!" biglang sigaw ni janjan isa sa pinakamakulit sa class
"uyy~ kuma-crush na si jazz!! party na too!!" asar naman ni tiffany, isa sa pinakamalandi sa class
"oi sino si crush huh?!" asar pa ng isang malanding si eunice
"wui diba lagi mong kasama yung gwapo ng loyal?!"
"teka teka! sino dun? yung pogi o yung cute?" (cute = rence | gwapo = pio)
"hoi wag yung cute akin na yun!!" biglang sigaw ni tifa
"BAKA NAMAN NALILITO SA DALAWA?!?!"
"malay niyo BOTH!"
"HABA NG HAIR NI JAZZZ!!!"
tawanan ang lahat..
at walang katapusang pagaasar.. at naaasar talaga ako -_- kaw banaman pagtulungan ng buong class.. di na sila natapos buti pinigal ni Ms. Sayson ang asaran..
"tama na tama! Kayo talaga! Kapag sagot sa tanong ko wala kayong masabe, pero pagdating sa kalokohan bira kayo ng bira. Hala! Sige! Tikum niyo yang mga bunganga niyo at baka matahi ko yan ng di oras.. Mendoza, upo na, makikinig ka rin kasi, wag masyadong isipin ang love life iha, unahin ang studies, pwede?" advice advice-an si ma'am na NBSB "oh sige, para makabawi ka sakin dahil di ka nakikinig kanina, draw me a diagrammatic representations of electron configuration"
"huh? yes ma'am" napasunod nalang ako.. alam ko naman yun, basta may drawing marami akong alam.. Ayoko nalang din sumagot.. Nabubwisit lang ako.. Di talaga mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Pero hindi pwede, kailangan isipin ko muna yung club..
tumahimik na ang lahat.. natuloy na ang klase.. ganto kami dito, di tulad sa ibang section na tahimik at nagaaral.. Ganun talaga.. Nasa LOWEST section ka banaman.. Bawal nerd dito.. Meron kaming isang nerd, si Ronnie, laging napagtritripan, dito, walang panahong tahimik, siguro after 10 minutes iingay ulit dito.. Pasensya naman kasi, hindi ako biniyayaan ng matinong utak..
dumaan na ang Chem Class, Health naman, eto na, walang matino sa health class, dahil mabait ang teacher nakakapagingay at gulo ang lahat.. Minsan pati teacher pinagtritripan.. Para kaming nasa public school :|
"Jazz, close mo talaga sila Pio Dela Cruz?" sabi ni Carrie "pati yung new comer?"
"hindi." deretso kong sagot "ka-officer ko sa club kaya lagi kong kasama"
"eh~? I-close mo na! tas pakilala moko" landi lang
"EH~? Ayoko dun, mayabang yung Pio, mabait si Rence pero ayoko paren, kung gusto mo iclose edi ikaw lumapit!" pagsusungit ko
"sunget!~" sabay talikod ni Carrie
wew.. ganun ba kagwapo yun? at mukhang sikat na sikat sa madla? bakit di ko siya napansin last year kung sikat siya talaga.. baka nagsisikat sikatan lang.. palitan na niya araw sa tingkad ng sikat niya bwisit. Di niya ko mauuto leche. Si Rence nalang.. Crush-crush-an ko naman yun eh hihihi
Ay basta! Bwisit, kailangan ko na magisip ng tungkol sa Club. Hindi ko pupuntahan sila Pipipi mamaya.. Kahit na sinabi kong "kita-kits" wag nalang. Bahala na..
[KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING]
SAWAKAS! LUNCH NA!
Umupo ako sa usual kong upuan. Madalas mag-isa, minsan may kasama, marami akong tropa pero ayoko sumama sakanila, mabubwisit lang ako..
Habang nagiisip ako ng gagawin mamaya sa Club
"Uy Jazz! Kwentuhan mo ako about sa new comer.. Mabait?" biglang tabi ni Eunice
"huh? Si Rence? Medyo, minsan may saltik" sagot ko
"Eh si Pio? Close mu?" tanong naman ni Tifa
"hindi.." sagot ko
"Kwentohan mo pa kami tungkol sa dalawa, dali!!!" biglang singit ng isang di ko kilala
"Huh? sino ka?!" gulat ko naman
"alam ko mabait yun si Pio, pasaway daw pero matulungin" sabi nung babaeng di ko kilala
"oo at yung rence daw super yaman, donate ng donate" sabi ng isa pang hindi ko rin kilala
"uhh, huh? teka teka.. bibili lang ako ng kakainin ko" takas ko
"sige bili narin kami" sumama pa sila "oo nga baka lumapit din satin sila pio at rence awii!!"
tilian sila sa likod ko =_= ba yan.. sila na malandi.. sila na frustrated.. sila na.. sila na maingay x_x paano ako makakapgisip neto.. leche naman oh, kahit kelan kahit saan pahamak ka sa buhay ko Pipipi.. Nadamay pa si Rence x_x
umupo ulit kami at walang katapusang nagtatanong sila tungkol kina Pipipi at Rence.. Kung tutuusin, parang ang close na nga namin, nakasakay na rin ako sa CAAAAAAAAAAR ni Rence, at nakapasok na sila sa bahay ko.. Pero.. Wala akong masyadong alam tungkol sakanila..
'alam ko mabait yun si Pio, pasaway daw pero matulungin'
'oo at yung rence daw super yaman, donate ng donate'
mga bagay na ang malalandi pa ang unang nakaalam.. bakit ko ba iniisip yun? Wala naman akong pakelam dun..
tanong parin ng tanong ang mga mangkukulam tungkol sa balak nilang kulamin.. pero hindi ko na sila naririnig.. gusto ko lang na magisip para mamaya pero panu ko gagawin yun? nakakaleche naman kasi ang ingay ng mga babaeng to..
sa kalagitnaan ng kaingayan at blangko kong mukha na hindi makakain, biglang may tumambad sa harap ko..
"excuse me.. Pwede ko bang hiramin si Jazz?"
paglingon ko sa taas..
"oh, Pipipi.."
nagtilian ang mga babae at hinatak nako ni Pipipi
"okay ka lang?"
hinawi ko kamay niya "wag moko hawakan" sabay talikod
"oh anu nanaman problema mo? kala ko ba di mo nako susungitan?"
"hindi ako nagsusungit"
"eh anu nga problema mo?" sabay lapit sakin
"wag moko lapitan!" sabay tulak sakanya "BASTA! Ano, wag muna.." nakasimangot nako, nakakunot ang kilay at hindi na mapinta ang mukha
"Wag munang ano?"
"uy ano meron?" biglang singit ni Rence sabay ko naman naisipang umalis
"Hi Rence! Bye Rence!" sabay *bow* sabay lingon kay Pipipi sabay sambit ng "Maya nalang sa club" sabay alis
"anung nangyari?" tanung ni Rence kay Pipipi na hindi naman sumagot..
Wala.. Wala na.. Wala na akong maisip pa.. Sabay sabay na problema ano ba naman to..
Lumipas na ang maghapon.. Ayan na ang Club.. Ayan na ang walang kwentang president.. Ayan na ako.
Club Meeting
"Attendance" Sir Santos
"Kumpleto na po tayo" Sagot ni Jinky, secretary ng club
"Orayt! Report na Jazz" tawag sakin ni Sir pero di ako sumasagot
"Jazz??" nakatingin lang ako sa labas
"JAZZ!!"
"ah yes! Ha?" gulat ko
"Report na" sabi ni Sir
"ha? ah oo nga.. Ano.. Uhm.." Nakita ko yung libro ng isang studyante about sa Composition "Composition.." LANGYA! YUN LANG ANG NASABI KO!
"Anong composition?" Tanong ni Sir..
"Uhm.. Try natin lahat magcompose.." sabi ko at bigla na gumana ang utak ko "Bali, mahilig ang musician sa covers diba? Pero para maiba naman, why not try composing? Diba? I mean, para malaman talaga natin yung kung anung genre natin.. Plus.. It's like, getting to know who you are, and getting to know others as wel.. Yung pagkakaiba iba natin sa isat isa.. Maipapahiwatig natin thru our own composition.. By style, genre and instrument.. Pwedeng instrumental lang, or a simple song lang rin.. Basta you have to compose something na gusto mo talaga, yung 'IKAW' mismo.." wow.. gumana nga ang utak ko.. :3 galing ko talaga! binabawi ko na yung 'walang kwentang president' na sinabi ko kanina..
"Very nice.." sabi ni Sir Santos "You can form a band if you want for pop rock or instrumental, pwedeng solo, pwedeng duet, pwedeng quartet, quintet or triplet.. Basta magawa niyo ng maayos, I will be giving you all this whole month for composition, next meeting you guys can talk about everything, while today, you choose who you're gonna be with or kung magsosolo play kayo" sambit pa ni Sir
"Wow sir, bilis mo magreact sa sinabi ko ah" namangha naman ako dun
"Oo naman, yan din nasa isip ko, buti naisipan mo yan"
"hehehe pinaghirapan kong pagisipan ang gagawin ngayong araw na to.."
"Naks, 'get to know each other' huh" sabay smile si Sir
"tehehe ofcourse, naisip ko rin, hindi uusad ang club kung hindi natin kilala isat isa, at kung hindi natin alam ang trip ng members.. Sana lang magsucceed.."
"tiwala lang Jazz.." sabi ni Sir..
Tumingin ako sa paligid ko, hindi ko alam bakit pero hinahanap ko yung makulit.. Si Pipipi.. at yung cute.. Si Rence.. Asan sila? Ayun.. Sa likod, tahimik, naguusap, parang normal na member lang din, nabigla ako sa sinabi ko kanina.. Parang tinaboy ko naman siya.. Naguguilty ako.. Eh kasi naman.. Nagugulo nako ng lahat dahil akala close kami..
Napatingin siya sakin.. Napalihis naman ako ng tingin sa iba.. Napatingin ulit ako.. Aba! Nakatitig lang sakin.. Di nako makagalaw ng maayos.. Antayin ko nalang matapos ang araw.. Atleast may naisip naman ako para may gawin ang club..
Naguwian na at lahat lahat.. Sabay kami ni Sir Santos sa motor niya, nakita ko si Rence at Pipipi pasakay ng kotse, napatingin sakin si Pipipi pero lumihis ako ulit.. Simula nun, hindi na niya ko pinansin..
Bahala na. Mabuti na yun. Goodluck ulit? Syempre diba? Di mawawala ang GOODLUCK.. :I
/end.chapter7
No comments:
Post a Comment