Kinabukasan sa Music Room
Habang nag-aaudition na yung iba
"Jazz!" tawag ni Pipipi
"Ano i-aaudition mo?"
"uhh wala pa nga eh"
malungkot kong sagot "ikaw?"
"eh? hmm gusto mo join force
tayo?"
"huh?! panung join
force?!" nu pinagsasasabi nito??
"may alam kang jazz?"
"hahahaha porke ba jazz
pangalan ko, may alam akong ganon?" natawa ko dun ah
"hindi, tanung ko lang
naman" dismayado siya
"wala eh, classical
tutugtugin ko"
"huwaaaaaw~ angas ah
classical" parang nangaasar
"lul! sira ka tigilan
moko.." binatukan ko siya
"aray ha! totoo naman eh,
ang hirap kaya nyan!"
"ewan ko sayo wag moko
gul-" napatigil ako kasi~
[[OKAY NEXT! RENCE SANTIAGO!]] -
sabi ni Sir Santos
napatahimik ang lahat
"new student ata yun
ah" sabi ko
"oo kaklase ko, magaling
magpiano yan" sabi ni pipipi
"aaaahhh" napatulala
ako kasi ang kinis niya, ang gwapo, maputi, sakto ang height, nakasalamin
mukhang matalino at.. pianistang tulad ko..
pinaguusapan siya ng halos lahat
sa clubroom, kinikilig na mga babae at mga lalakeng nagaamok sa kagwapuhan niya
"anong tutugtugin mo?"
- Sir Santos
"Keyboard. Cherish by Roy
Todd" - Rence
"Wow. Sige go" -
namangha si Sir at namangha rin ako
[>] Cherish - Roy Todd
-------play youtube]---------> [>]
Nang simulan niyang tumugtog,
natahimik ang lahat, nakinig ang lahat, at habang tinutugtog niya ang
napaka-kalmang pyesa, lalo akong napatitig sakanya, sa mga kamay niya, ang
galing. Grabe, ramdam na ramdam ko parang nasa tabing dagat at naririnig ko ang
kumukumpas na tubig at umaasiwas na hangin. GRABE!!
Napapaluha si Sir santos habang
nakikinig, ako rin. Di ko mapigilan. Napakalalim. TAGOS! >.<
Tahimik ang lahat na kanina'y
nagdadaldalan. Nang matapos ni Rence ang pyesa, tahimik, at biglang pumalakpak
si Sir ng dahan dahan, at pumalakpak si Pipipi, at ako, at nagsimulang
pumalakpak ang lahat.. Tumayo narin si Rence at nag*bow*.. Palakpakan ang
lahat.
Habang may luha pa sa mata ni Sir
Santos "Nakakainis ka ang galing mo, makabili nga ng Grand Piano"
sabay punas sa luha.. tawanan ang lahat..
[[OKAY NEXT! ah! eto! Paburito ko
to, paiyakin mo rin ako JAZZ MENDOZA!]]
Hala! ako na pala next?! Ah ayoko
na! Sa sobrang ganda nung kay Rence nahiya ako lalo tumugtog! Ah! Ayoko na!
>.<
"Sir pwedeng iba
muna??" bulong ko
"Walang special treatment
dito, hala sige tugtog!" tulak niya ko sa harap ng clubroom
"Anong tutugtugin mo?"
Tanong ni Sir
kinakabahan ako, anong tutugtugin
ko? Hindi ako sanay tumugtug sa ganito, mas gusto ko pa yung recital :/
"uhh ano po, uhh~~"
nakatingin ako kay Pipipi at mukhang nagets niya na kailangan ko ng tulong
"SIR! pwedeng ako muna?! May
lakad pako eh" payabang na sabi ni pipipi
"Wag ka nga! Umalis ka diyan
papakinggan ko si Jazz" sabi ni sir
"eh sir~ ano pala, join
forces kami ni Jazz!" pipipi
Gulat ako sa sinabi niya
"ANO!?" eh wala akong alam na Jazz!! Basic lang alam ko!
"uist anu ba? basic lang
alam ko!" bulong ko
"okay lang yan ako
bahala" panigurado ni pipipi
"okay sige, siguraduhin
niyong maganda yan ha" Sabi ni Sir
"yes ser!" si pipipi
lang ang sumagot
ABA! ANUNG GAGAWIN KO!? DI KO
ALAM! >.< LECHENG TO IMBIS NA TULUNGAN AKO IPAPAHAMAK PAKO! D;
ANONG GAGAWIN KO!?!?!
Habang inaayos ng ibang students
ang drumset para kay Pipipi, kinausap niya ako sandali.
"Anung alam mong kahit anong
pwede kong lagyan ng drums?" tanong niya
"ano?! ibigsabihin wala ka
talagang idea sa gagawin natin!?" gulat ko
"malamang di naman natin
pinaghandaan" kalmado parin siya panu niya nagagawa yan!??!
"hmm, alam mo yung 'easy
waltz' ni Yoko Kanno?" tanong ko
"hindi" sagot niya
"iish~ -____-" panu
kaya to!?
"pero bat di natin subukan
diba?" smile siya "simulan mo susundan ko nalang"
"yabang ah" tingin ko
sakanya
"okay na po ang
drumset" sabi ng isang studyante
"oh sige! JAZZ MENDOZA and
PIO DELA CRUZ larga!" sigaw ni Sir Santos
nanginginig ako habang papunta sa
keboard. tsk iba rin kasi ang keyboard sa piano. -__- ang hirap nito baka mali
mali ako nakakakaba!
habang si Pipipi mukhang excited
na excited nga "yabang talaga nito" pabulong kong sabi na bigla
namang napatingin sakin si Pipipi at nagsmile ng malaki.. "iiish"
nabubwisit ako. >.<"
"Anong tutugtugin
niyo?" Sir Santos
"Jazz Waltz po Sir"
sagot ko
"ahh di ko alam nagjajazz ka
pala jazz??" sabay tawa siya sa pangalan ko
di ako sumagot bumusangot nalang
ako "hmp" >o<
"sige go!" Hudyat ni
Sir Santos
sinimulan ko ng intro..
Dalawang 8 counts yun biglang
sumunod si Pipipi sakin...
At sabay na kami tumutugtug..
napatingin ako sakanya nagtataka
ako, di daw niya alam yung kanta pero nasasabayan niya ako.
tugtog pa napatingin ako sa
paligid at nakita kong napapasayaw ang mga studyante..
pati si Sir umuugoy ugoy sa upuan
niya..
Napatingin ako kay pipipi at
nakita kong nakatitig siya sa kamay ko, para siguro sundan yung kilos ko,
napangiti ako at nakangiti lang ako hanggang huli ng kanta..
pagkatapos namin tumugtug,
nagpalakpakan din ang mga tao, hindi ko inaasahan na maganda ang outcome, at
napangiti talaga ako..
pagtingin ko kay Pipipi palapit
na pala siya sakin sabay signal ng pag hi-five.. napa apir naman ako.. *apir!*
"galing mo pala" sabi
ko sakanya
"ako pa :D" mayabang na
sabi niya
Si Sir Santos napatayo! Hala
hahaha bakit kaya?
"Tama na! Bukas na yung iba,
sobra na tayong lahat sa oras, magsi uwian na kayo, sobra na to sobra
na!!" Malakas na biro ni Sir
"Hala Sir nu problema
mo?" tanung ko
"Ang gagaling ninyo di na
keri ng kokote ko" Sabay hawak siya sa ulo niya
tawanan ang lahat at nagpatuloy
na ang audition
Pagupo sa isang tabi nanlalamig
mga kamay ko, di ko akalaing magagawa ko yung biglaang tugtog. Audition pa!
Okay sana kung recital, pinaghahandaan, "leche kasi tong lecheng tong
eh" tagilid kong tingin kay Pipipi.
"oh anung problema mo?"
tanong niya
"wala bwisit ka"
imbyerna ko
"bat ka galit? maayos naman
tugtog ah?" kalma
"ewan ko sayo, yabang
mo.." sabay talikod ako sakanya
pagtalikod ko kay pipipi di ko
napansin ang katabi ko pala si Rence! Napa "hala~" ako ng medyo
mahina lang
"hi" bati ni Rence
"hello" bati ko
"galing mo ah sana makajam
din kita" sabi niya
"hehe hindi, classical ako
talaga, di ko nga alam na kaya ko gawin yung ginawa ko kanina eh" explain
ako ng explain di ko alam baket tehehe
"okay lang, sana makajam ko
kayo ni Pio" sabi niya
"ahh etong .. mayabang na
to?" sabay kurot kay Pipipi "kahapon ko lang din nakilala yan kaya..
kayo nalang magjam" asar ko lang
"HOY! sama ng ugali mo jazz
ah di porke magaling ka ganyan ka na" asar ni Pipipi
"baah! ako pa lumabas na
mayabaang! sama mo talaga kahit kelan!" sabay pinalo ko siya ng pinalo
"hahahaha totoo naman ah!
kunwari pang wala daw alam sabay ganon?!" pinipigilan niya ang palo ko
"hehehe" napatawa si
Rence "ang cute niyong dalawa"
napatigil kami ni Pipipi,
nagkatinginan sabay lihis ng tingin
"cute?! duhh! ako lang
yun!" sabi ko
"cute?! duhh! WALA KA
NON!" pangaasar ni pipipi
"baaah yabang mo talaga
huh!" kinurot kurot ko na siya naiinis nako
tsk, mas type ko naman si Rence
kesa sayo no! leche ka. 2nd day ng pagkilala naten pinapahamak moko agad?! hmp
bwisit. makadikit na nga lang kay Rence..
"rence sige tara! jam TAYO
minsan, TAYO lang huh, ayoko sa feeling close!" sabay tingin kay Pipipi
"haha sayang naman walang
drummer" sabi ni Rence
"para san pa ako
diba?!" singit ni Pipipi
"Ay ewan. ewan ko
sayo." tumahimik nako
napapaisip nalang ako, oo nga no,
kahapon ko lang nakilala tong tong mokong na to, pero parang close na namin,
pati si Rence, nakakatawanan ko na, sana pumasa ako, si rence, ay papasa yan
sigurado, sana pumasa si Pipipi.. Eh? Okay lang kahit hindi xD walang
manggugulo sakin.. Pero, ansarap sa feeling ng nangyari kanina. :3 sana laging
ganito. Sana pumasa kaming tatlo makajam ko pa sila.. Bukas malalaman kung
pumasa o hindi.. GOODLUCK NALANG! xD
No comments:
Post a Comment