Ilang araw ang lumipas.. Friday na ulit.. Di ko naramdaman ang buong linggo, I mean, di ko nafeel yung pagka-president ko sa Club, Di kami naguusap ni Sir tungkol dun, kahit sabay kami pumapasok at umuuwi, hindi ko alam anung mangyayari sa lunes. Pero sa ngayon, naiisip ko, sawakas, uwian na, gusto ko na umuwi at magpiano nalang sa bahay..
Uwian, sa Quadrangle A kung san nag-aassembly ang highschool tuwing umaga.
"Jazz! Uwi ka na?" tanong ni Sir
"Bakit po? Sabay po ba tayo?" tanong ko
"Baka mamaya pa ako, may meeting pa kaming mga advisor"
"ahh sige po una nalang ako"
inabot sakin ni Sir yung gate pass, bawal kasi lumabas ng walang gate pass or service.. oo higschool na ako pero ganyan parin patakaran nila.
"Bye Sir!" kaway ko kay Sir Santos
"Ge!" kaway siya pabalik
tinatamad pako umuwi.. bago pako makaalis sa Quad A napatingin ako sa taas.. sa 3rd floor.. nakatitig ako sa mga classroom.. Napaisip nanaman ako..
"anong section ni Pipipi?" tss.. bat ko ba iniisip yun, pwede ko naman siya tanungin sa Monday..
"ano kayang section ni Pipipi??" di ko namalayan natanong ko ulit yun.. Sabay lihis ng tingin.. naglakad nako palabas ng Quad A.. napatigil ako ng lakad at napalingon ulit sa mga classroom..
"ano nga kayang section ni Pipipi?" at .. natanong ko siya ulit.. at biglang..
"Loyal~" may bumulong sa tabi ko, paglingon ko
"WOII!" natulak ko siya, nagulat ako anlapit ng mukha niya saken! "PIPIPI! ANUNG PROBLEMA MO!?!?" sabay tinakpan ko bibig ko ng dalawang kamay
"hahaha, loyal nga section ko.. grabe ka naman magulat.." tukso ni Pipipi
"oh eto na" biglang singit ni Rence na may dalang mga libro
"uyy! etong inaantay ko eh" excited nanaman ang pipipi
"oh hi Jazz" bati ni Rence
"h-hello" sagot ko, namutla ako sa pagkagulat di ako makapagsalita ng maayos
"uwian niyo na pala??" tanong ni Rence
"oo~" sagot ko
si Pipipi busy sa mga librong hawak niya, tungkol san ba yun? ba malay ko! >.>
"san ka ba nauwi?" natanong ni Rence
"ah sa Ipil lang.."
"oh malapit ka lang pala samin"
"san ka ba?" iihh naexcite ako gusto ko malaman san nakatira si Rence
"Dao" waw lapit nga. >.> eh malaki ang Dao? San dun??
"San sa Dao?" tanong ko gusto ko talaga malaman
"East Drive" eh~ malapit nga.. "Sabay ka na samin" Ngiti niya.. teka, 'samin?' kasama niyang umuuwi yung.. "kasabay natin si Pio" ..ay grabe!!! Taking advantage talaga!! Napabusangot ako kay Pipipi..
"Bat mo hinahayaang i-take advantage ni Pipipi yang kabaitan mo?" tanong ko kay Rence na medyo nangaasar.. Natawa lang si Rence pero mukhang masaya siya sa piling ni Pipipi xDD
"Okay naman siya" sabi ni Rence nakatingin kay Pipipi
"eh? Anung okay sa ugali niyan??" nakatingin kami kay Pipipi na biglang nabitawan yung ibang librong hawak niya, madami kasi. Sa pagkakahulog ng mga libro nagkatinginan kami ni Rence at natawa kami pareho
"hahahahaha point taken!" sabi ko "maigi nga namang may kasama kang napapatawa ka ng di niya alam" dagdag ko pa
"natutuwa ka rin pala kay Pio eh" tawa rin si Rence
"HUH? di ako NATUTUWA, NATATAWA ako! magkaiba yun" tawa pa kame..
"sige na nga! sabay nako senyo, nang masaya naman ang uwian ko" sabi ko kay Rence na biglang sumenyas ng 'tara na' kay Pipipi
Nung una akala ko magcocommute lang, ako kasi naglalakad pauwi, para mas tipid, pag kasama ko si Sir Santos pauwi naka-motor kami or Jeep lang pero nung lumabas kami ni Rence at Pipipi, isa pang kinagulat ko na hindi naman dapat ikagulat..
"WAW CAARRR!!" sabi ko na may tonong pambata
"galing no?" sabi ni pipipi "yaman nito eh" sabay akbay kay Rence
"sakay na" sabi ni Rence na nakatawa kay Pipipi
"sabi sayo Rence wag ka papatake-advantage dito eh!" tukso ko kay Rence
"nung sabe mo?!" narinig ako ni Pipipi
tawa nalang kami..
at sumakay na ng kotse
"bat mo nga pala gusto malaman section ko?" tanong ni Pipipi sakin sa luob ng tahimik na kotse ni Rence
"huh? di ah! bat ko naman gusto malaman?" tanong ko rin yan sa sarili ko :P
"narinig kita kanina eh" sabi ni Pipipi
"Di ah! namali ka lang ng rinig" lakas naman ng pandinig mo! bulong kaya yun!
"malakas kaya pandinig ko~" ngisi ni Pipipi
"sabi ko nga." pahiya ako xD sabi ko nga narinig niya diba?
"bakit nga?" pangungulit ni Pipipi
"kulit mo no??" inis kong sagot
"san ka sa Ipil jazz?" singit ni Rence
"uhh sa pagitan ng Rainbow at Kalayaan, sa bungad lang.." sagot ko
"kaw Pio? Senyo ba muna?" tanong ni Rence
"uhh sige kina Jazz na muna" palihis na sagot ni Pipipi at bigla siyang natahimik
"magulo bahay mo no? ayaw mo pakita saken?" inaasar ko si Pipipi
"Di ah! Maayos ako sa gamit no!" Depensa ni Pipipi
"eh bat ayaw mo muna dumaan sa inyo? ako naman ang nangungulit
"eh bat gusto mo malaman section ko??" at binalik niya sakin ang pangungulit
"eh ewan ko, kaklase mo kasi si-" napatigil ako muntik ko na masabi pangalan ni Rence!
"huh?" nagtaka si Pipipi
"ewan" tumahimik naman ako, at saktong andito na ako sa bahay ko.. "ayan! dyan! yang silver na gate na mukhang gubat! yan ang bahay ko.." tinuro ko agad ang malagubat kong bahay, dahil hindi nakakapagtrim ng halaman..
lumabas na ako ng kotse at nagpaalam.. "bye" smile kay Rence, at 'hmp' kay Pipipi..
*kling kling kling*
(wala kaming doorbell, meron lang kaming pinagdikit dikit na chimes na may mahabang tali, hahatakin namin yun at yun! yun ang bell ng gate)
isa pa..
*kling kling kling*
wala bang tao?
"jazz, dyan ka ba talaga nakatira?" pangaasar ni Pipipi
"bat naman hindi?! wag ka nga.. teka?! bat andyan ka?!" nasa likod ko na si Pipipi?! at.. nasa likod niya si Rence.. "ha!? papasok pa ba kayo?" iish nahihiya ako.. ngayon lang ako nagdala ng lalaki.. hahaha pangit pakinggan.. I mean, kaibigan kong lalaki, dalawa pa! Si Sir Santos lang ang lalaking nakapasok sa bahay ko na hindi ko kamaganak >.<
"oo, bakit, masama? Magagalit ba parents mo?" tanong ni Pipipi
"hindi, wala parents ko dyan" sagot ko
lumabas na si Mamang.. Lola ko, siya rin ang nagturo sakin magpiano, at nagalaga, at nagpalaki.
"oh bat wala si Niko(tawag ni Mamang kay Sir Nick Santos)? at sino tong dalawang to?" nagtaka siya
"mang! Si Rence po at si Pi- Pio~" haha muntik nang 'pipipi' "Officers po ng Music Club" pakilala ko sakanila "Guys, Si Mamang, lola ko"
"Magandang araw po" sabi ni Rence
"Hello po" sabay tungo ng nagmagandang batang si Pipipi
"oh siya pumasok na kayo"
pumasok kami sa luob at tahimik kaming tatlo.. Umupo sila sa sofa at nagpunta ako kay mamang para tulungan siya maghanda ng meryenda para sa bisita..
"Pio" tinapik ni Rence si Pipipi
"oh" sagot agad siya
"tahimik ka"
"huh?"
"wala"
"good" tahimik lang si Pipipi nakakapanibago nga naman..
napansin ni Rence na nagtitingin tingin sa paligid si Pipipi.. Nakaupo lang sila sa sofa pero ang mga mata kung sansan napupunta..
"Sino kaya yun?" tanong ni Pipipi sabay turo sa picture sa ibabaw ng piano malapit sa sofa.
"Hmm, ate?" hula ni Rence
"di niya hawig, siguro, tita or pinsan" hula ni Pipipi
"bat di nalang natin tanungin ni Jazz?"
sabay lumitaw ako na may dalang inumin at sandwich "oo nga naman, bat di mo itanong sakin Pip- pi-yooo" singit ko "pinaguusapan niyo ko ah" sabay bigay ng sandwich
"di ah, naisip ko lang kung sino yun"
"ito?" kinuha ko yung picture "ate ko"
"sabi ko sayo eh" sabi ni Rence
"bali 7 years pagitan namin :) 22 na siya" explain ko
"wow, edi nagtatrabaho na yan?" tanong ni Pipipi na tonong may interes sa ate ko
"oy oy! tumigil ka ah! ate ko yan!" binalaan ko siya
"baket? natanong ko lang naman!" depensa ni Pipipi
Nagasaran lang kami buong magdamag hanggang umabot sa oras na kailangan narin nilang umuwi..
"Ay sige po, uwi na po kami.." Sambit ni Pipipi sa lola ko
"okay, nakakatuwa naman ang ingay niyo" sabi ng lola ko
"hehehe pasensya na po" sagot ni Pipipi
"ay di, ang ibig kong sabihin, natuwa ako sa inyo, napaingay niyo ang bahay ng maganda" explain ng lola ko "tahimik kasi dito palagi ang tanging maririnig niyo lang yung piano ni jazz" dagdag pa niya
"oo nga no may piano nga pala si jazz dapat pinatugtog natin siya"
"ay! uuwi na kayo diba?!" singit ko bago pa may maisip tong mga to "oh hala sige uwi! gabi na mapagalitan pa kayo ng mga nanay niyo! go go go go!" pilit ko silang pinapauwi.. "mang naman..." bulong ko kay mamang na kasamang 'nahihiya ako'..
"o sya! maggagabi na, umuwi na kayo, balik kayo dito at tumugtug din kayo minsan" paalam ni mamang
"opo!" masayang reply ni Pipipi
"una na po kami" sabi ni Rence
"wag bata ka pa" loko ng lola ko
hahaha natawa naman kami dun, mang talaga hilig magjoke
paglabas namin tsaka lang nakita ni Pipipi ang Studio sa tapat ng bahay
"oh! studio pala to eh!" sabi ni Pipipi
"ay hindiiiiii~~~ tindahan po yan!!" pilosopo kong sagot
"oh si Sir ba yun?" nakita ni Rence yung poster ni Sir Santos sa bintana ng studio.. may hawak na gitara at mikropono.
"oo si Sir yan, kanya yan" sabi ko "at yun" tinuro ko yung bahay sa tabi ng studio "bahay niya"
gulat nanaman ang dalawa "wow! music oriented talaga kayo ni Sir no?" tanong ni Pipipi "teka, akala ko ba tatay mo si Sir?" hala, naalala pa niya nung sinabi ni Sir yun 'ito pala si jazz, anak ko' haha
"HINDI! naniwala ka naman agad kay Sir?! Nakalakihan ko lang si Sir.. Kaya parang mag-ama narin turingan namin"
"aaaaaaahhhh" sambit ng dalawa
natahimik si Pipipi.. bat ba natatahimik tong lokong to?
"o sige na, uuwi narin kami" sabi ni Rence
"salamat sa sandwich, sarap ng gawa mo nay" inaasar ako ni pipipi "sige una na kami" sabi niya
"wag nga raw sabi ni mamang, bata pa kayo" sabi ko
"hahaha oo na uuwi na kami kamo" sabay tawa kaming tatlo
pagtalikod ni Rence at Pipipi nakatitig ako sakanila.. Nakangiti.. 'nice' sambit ko sa sarili.. Nakakatuwa naman tong dalawang to. pumasok na ako sa bahay.. Binuksan ko ang piano.. At tumugtog ako ng kung anong nararamdaman ko..
habang nagiisip rin ako..
Ano kayang mangyayari sa Lunes? Anung balak ni Sir? Anong plano ni Pipipi at Rence? Ano kayang itsura ng bahay ni Pipipi? O ni Rence? Gusto ko silang makilala pa.. Naeexcite ako.. xD Kasabay ng excitement ng kamay ko sa pagtugtog ng mahiwagang piano. Sana makatugtugan ko rin sila..
Nagkakainteres na ako sa mga tao.. Gusto ko na malaman pa kung anong meron sila, at anung kwento nila.. Umikot ang buhay ko, sa kwento ko at ng musika.. Di ko akalaing makakasundo ko sila. :) Ang gaan ng pakiramdam ko. Bat di ko matanggal ang ngiti sa mukha ko? Kahit naiinis at nagugulat ako palagi kay Pipipi, at hindi ko alam pano kausapin si Rence, masaya ako talaga. Eto nanaman ako! Naeexcite nanaman xD GOODLUCK NALANG SA MGA SUSNOD PANG MANGYAYARE! :D
No comments:
Post a Comment