[CLUB SIGNING 3rd year
highschool]
"hmmm kailangan ko na pumili
ng club" sabi ko sa sarili ko.. pumipili palang naman ako ng Club ano kaya
maganda?
-"HOME ECONOMICS CLUB
SIGNING!!" (eh? tahi tahi luto luto?? boring)
-"GLEE CLUB! GLEE CLUB!
AUDITION NOW!" (di ako kumakanta -_-)
-"JOIN US!! SPORTS
CLUB!!" (may hika kaya ako!! >.<)
-"INDOOR GAME CLUB!!"
(BOOOOOOORING!!)
-"MAHILIG KA BA SA
RONDALLA?? SALI NA DITO! RONDALLA!!" (rondalla? di nga ako marunong nun
eh)
lakad lang ako ng lakad hanggang
malapit nako sa dulo, sa dulo kung sang may hagdan paakyat
"wala namang club sa taas..
alis na nga ako" paalis na sana ako nang nakita ko yung poster sa gilid ng
hagdan, maliit lang kaya di masyadong pansinin..
[YOU LIKE MUSIC? GO UPSTAIRS ;)]
napatigil ako. may wink talaga,
si Sir Santos to for sure. -__- napaisip ako.. hmm masaya naman ang music pero,
nahihiya ako...
nagisip isip ako ng may bumangga
sakin..
"ouch! >.o"
"oh Jazz.. Sali ka? :)"
napahawak sa braso ko si Sir Santos
"huh? Di po. hehe napadaan
lang ako"
"dali sali ka na :) Masaya
sa Music club"
"eh? eh bago lang naman po
yan diba? wala namang music club last year dahil nagfail yung dating advisor ng
club"
"dati yun! ;)"
"Sir Santos~ what's up with
the wink??"
"wala lang ;)"
"hahahaha sige na nga Sir!
sasali nako, baka magunaw mundo sa paggamit mo ng charms :3"
"haha isa pa Jazz ha, isa pa
;)"
"eh Sir! Isa ka din po eh!
xD"
umakyat na kami ni Sir Santos sa
'room upstairs' hehe
Si Sir Santos, close kami kasi lumaki
ako na parang tatay ko na rin siya, kahit may pagkabading siya, magkapitbahay
lang kasi kami, hatid sundo niya ako, pero 'Sir Santos' parin tawag ko sakanya
simulat sapul. Tas may music studio siya sa tabi ng bahay nila at lagi ako
nanunuod ng mga jamming nila dun mula sa bintana ng kwarto ko. Magaling si Sir,
all around, sobra. Idol ko yan! :D
Sa pag akyat namin, nakita ko
konti lang ang tao.
"Sir bakit onti lang tao? Di
kayo nagaadvertise sa baba?"
"Mas maigi yun, lalapit
samin kung sino may gusto, walang pilit pilit, tsaka nakakapagod magsisisigaw
ng 'MUSIC CLUB MUSIC CLUB' sa baba no!" hawak niya yung post card ng Music
club tas nakaangat habang sinigaw ung linya nya
"hahahaha pakiulit nga
Sir!" sabi ng isang studyanteng may hawak ng drumstick
"tumigil ka Papa P ah di ko
uulitin yun" sabay bato ng post card sa studyante
"Papa P??" tanong ko
"Sir naman eh! Hahaha"
tawa lang ng studyante
"Pipipi!(isa pang nickname)
ito pala si Jazz, anak ko" Pakilala ni Sir sakin
"WEH SIR ANAK MO?!"
gulat niya sabay hawak sa kamay ko "Hi Jazz, nice name~ pang music
talaga" sabi ni.. pipipi~
"OO ANAK KO BAKET?!"
tas sabay "Oh jazz, eto naman si PIPIPI or PAPA P, drummer ng club
naten" pakilala ni sir kay Pipipi
"Hi Pipipi.. ano, bakit
pipipi??" natatawa ako sa pangalan niya hahaha
"Isipin mo jazz, Pio..
Piolo.. Papa P.. paikliin pa natin yan.. P-p-p.. PIPIPI!" paliwanag ni Sir
"haha PIO kasi.. Pi-yo
nalang kasi.. Di ko kamuka yang Piolo na yan" giit ni Pipipi
"hehehe pipipi nalang xD
bagay naman eh" giit ko kasi gwapo naman siya.
"Sabi sayo eh maganda
PIPIPI! :))" tawa ni Sir
Sa unang saglit, ansaya.. Ang
gaan sa pakiramdam.. Parang naeexcite ako..
Nag sign up narin ako pagtapos ng
tawanan, ang instrument ko "piano" audition namin kinabukasan, nako,
hindi ako handa, siguro yung mga lumang tinutugtog ko nalang sa recital ng lola
ko. Kaso.. Eto na nga ba sinasabi ko eh, kaya nahihiya ako.. Kasi classical
music ang tinutugtog ko, baka hindi maappreciate ng tao yung music ko >.<
Yaan na nga.. Bahala na bukas, si
Sir Santos naman ang teacher eh :3 di pwedeng di ako ipasa niyan(advantage!!
hahaha)
No comments:
Post a Comment