Tuesday, October 23, 2012

CHAPTER 4 - PRESIDENT(???)


intro.
flashback(habang pinaguusapan yung tungkol sa pagboto ng officers)

"pssst" tinapik ko si Pipipi "wala ako sa friday" sabi ko
"ha? baket?" gulat siya
"bah pakelam mo?" sabi ko
"bat mo pa sinabi? kung wala rin akong dapat pakelam?" 
"eh panu yung boto ko?"
"sino ba boto mo?"
"uhh, kaw dapat eh, kaso~"
"kaso ano??"
naisip ko kasi puro kalokohan lang alam mo.. -___-
"si Rence!" di ko sinagot tanong niya "siya president! magaling siya, tas... tas si.. hmm kaw na bahala sa Vice atbp! pasa mo boto ko ah" panigurado ko
"sige sige ako bahala" nako mukang wala akong tiwala sa 'akong bahala' nito ah.. tss bahala na.. basta boto ko si Rence :)
"wag kang magloloko ah" sabi ko kay Pipipi
"anong kalokohan naman sa tingin mo ang gagawin ko???"

/end.flashback
---------
MONDAY (CLUB DAY) 8AM - late nanaman ako >.<

"G'morning pres!" sabi ng isang club member, nagkasalubong kami pagpasok ko ng school..
"Boss! Congrats!" sabi ng isa pang club member..
"anung meron?" tanong ko sa sarili ko
"Pres! Congrats!" sabi ng isa pa
"ANUNG MERON?!" napakamot nako sa ulo ko

papunta nako sa classroom ng biglang..

"HAAAA?!" nakita ko sa MCB(Music Club Bulletin)

President - Jazz Mendoza
Vice - Rence Santiago
Secretary - Jinky Cezar
Treasurer - Pio Dela Cruz
PRO - Glenn Garcia

"PANO NANGYARE TO!?" tanong ko sa sarili ko at ang unang pumasok sa isip ko "PIPIPIIIII!!!!" nabwisit ako bigla "LAGOT KA SAKIN BWISIT KA!" sabi ko na nga ba eh! bat di manlang sinabi to sakin ni Sir?! magkapitbahay lang naman kame?!

inantay ko na mag hapon.. inantay ko mag club meeting para makita ko yang Pipipi na yan! maghapon ako di mapakali, di ako handa maging president?! anong gagawin ko? baka magfail lang yung club dahil saken?! nagaudition ako half-heartedly, tas ako magiging pres? at pumayag si sir?! pano!? daah~ pinagtutulungan nila ko.. D:

------

Dumating rin ang hapon. SAWAKAS. Makikita ko rin si Pipipi.. Napaisip din ako, di ko siya nakikita maghapon, anu kaya section niya? Sections III - loyal, III - sincere at III - friendly.. Di kami sabay sabay magrecess, lunch at uwian.. Depende sa class. Hmm.. Anu nga ulit section ni Pipipi? Kaklase nga rin pala niya si Rence nu.. Basta kakausapin ko rin siya sa club meeting!

"OORAAAYYT!!" sigaw ni Sir "attendance tapos na ba?"
"yes ser!" sabi ng secretary na si Jinky
"kumpleto na ba tayo?"
"no ser!"
"sinong kulang?"
"si pre- oh yea! president is here!!" biglang sigaw ng secretary "kumpleto na!"
palakpakan ang lahat
"CONGRATS PRES!!!" sabi nila
ako naman tong aburidong aburido tumungo nalang ako sa kahihiyan
"pres!" may tumawag sa likod ko, paglingon ko.. si PIPIPI! hala lagot ka sakin, lumapit ako at tinabihan ko siya..
"LECHE KA ANONG NANGYARE?!" malakas pero pabulong na sabi ko
"hahahahaha ayaw mo nun?! xD" pangaasar niya "di, ganito kasi yun.."

at eto ang kanyang kwento

"ANO?! WALA BANG MAY BALAK BUMOTO DIYAN?" tanong ni Sir
"SIR! BOTO KO SI JAZZ! PRESIDENT!" sabi ni Pipipi "magaling magpiano yun! tsaka determinado! PRAMIS SER SISIKAT TAYO SAKANYA!" dagdag pa ni pipipi "SINONG NATUWA SA AUDITION NAMIN NI JAZZ?? TAAS KAMAY!" at nagtaasan naman ng kamay ang mga studyante

nagbilang si Sir "1,2,3,7,10,14.. 14 votes! hindi pa kasama si Rence at Pipipi, OKAY! JAZZ MENDOZA - PRESIDENT!"

at yun nga ang kanyang kwento

"ha? di mo manlang sinabi na si Rence ang boto ko?"
"hindi.. ayaw naman niya eh, dapat determinado ang president! eh umayaw agad si rence kaya di ko na pinilit.." sabay may kinuha siyang papel
"eh kung andito naman ako nung friday di rin ako papayag!" giit ko sakanya
"oh fill-up mo yan papasa yan mamaya sa office bago mag-uwian" di niya pinansin yung sinabi ko -___- "wala na, president ka na xD" nagsmile siyang malaki

lecheng yan.. talagang ipapahamak ako! anu ba to? kinakaibigan bako nito para pabagsakin?! ansama talaga ng ugali nito.. hmp!!!

"Jazz nakuha mo na yung form?" tanong ni Sir sa malayo
"opo"
"fill up mo yan ah, tsaka oath taking mamaya ng mga Club President"
"opo"

tahimik nalang ako. nang kinuha ni Sir ang Cello at sinenyasan niya si Rence sa keyboard at Pipipi sa drums..

"para sa mga Officers!! MILESTONES!" sigaw ni Sir at nagsimula na siyag tumugtog



at nagsayawan ang lahat.. "baah tumutugtog pala ng jazz si Rence?" naalala ko bigla nung sinabihan niya akong 'sana makajam ko kayo ni Pio'.. ang groovy naman.. pati ako napapasayaw.. hindi ko na tuloy napagalitan si Pipipi, at di ko rin natanong si Sir bat siya pumayag.. Kakaiba nararamdaman ko.. sana hindi ko i-fail sila Sir, lalo na sila Pipipi.. Ayokong dagdagan ang kahihiyan D: at siguradong aasarin lang ako nito >.< GOODLUCK ULET! >.<

No comments:

Post a Comment