Tuesday, October 23, 2012

CHAPTER 3 - Official Music Club Members


Classroom - 3rd Floor
Section - III - Sincere
Nakaupo ako sa 7th row mula kaliwa at 5th column mula harap
bali....
[teacher]         ∎ ← pintuan sa harap
□ □ □ □ □ □ □ |
□ □ □ □ □ □ □ |
□ □ □ □ □ □ □ |
□ □ □ □ □ □ □ |
■ □ □ □ □ □ □ | ← andun ako katabi bintana :3
□ □ □ □ □ □ □   ∎ ← pintuan sa likuran
-----------
Excited nako para mamaya.. Hehe ngayon lang ako naexcite ng ganito.
Habang nagkaklase walang ibang nasa isip ko kundi ang resulta ng audition. Natuwa naman ang tao samin, pero kinakabahan ako na ewan. Parang may mangyayari.
Habang nagiisip ako at nagkukunwaring nakikinig sa teacher.. Ayan na nga ang mangyayari~ Biglang..
"Jazz~" tinapik ako ng nasa likuran ko "pinapabigay nun" may hawak na papel sabay turo sa pintuan..
pagtingin ko.. Aba.. Si Pipipi pala yun.. Nakaupong nakabungisngis sa may pintuan, nagtatago..
kinuha ko yung papel..

[img] see image sa gilid--------------------------------> [img]
'jazz! :)
labas ka!
now na!
-PPP
P.S. kasama ko na si
RENCE!'

huh?? napasulyap ako sa pintuan at nakita kong nakangisngis rin si Rence sa tabi ni Pipipi~ tatanggihan ko sana dahil kalokohan niya to, pero nung nakita ko si Rence na kumaway "hi~".. Humudyat ako ng 'wait lang' sakanila xD

taas kamay. "Ma'am, may I go out?" sabi ko sa Chemistry teacher kong si Ms. Ramos..
"Okay, you may go" pagsabi niya nun, tayo ako agad at tumakbo palabas.. sabay hinatak nako ni Pipipi pababa ng hagdan..
"tara dali dali!" excited si Pipipi
"ano nanaman bang kalokohan to?!" nakakapagod tumakbo!!!
"basta" rence

mamayang onti napunta kami sa Basement.

"oh bat tayo andito??" tanong ko
"dami mong tanong! basta buksan mo pintuan" sabi ni Pipipi
"ako talaga?!" tanong ko ulit
"BUKSAN MO NA!" sabay na sabi ni Pipipi at Rence

pagbukas ko ng pintuan laking gulat ko nang makita kong sandamakmak na nakatambak na instrumento ang nasa basement!

"WOOOOOOOOAH!!! baket!?? BAKET ANDITO LANG KAYO?! Bat nakatambak kayo dito!!?!??" gulat na gulat kong sinabi yan, nadismaya ako kasi andun lang ang mga instrumento. Dahil nga siguro failed ang Music Club last year. Tsk.
"Oh andito na pala kayo" Sir Santos
"Sir? Baket ka andito??" Tanong ko.. nakita ko rin yung iba pang studyante na nag-audition kahapon.. "anung meron??"
"Pinagusapan na namin ni Pipipi to.. Lahat ng makakarating dito ngayon, at ngayon din, yun lang ang magiging member ng Club naten." Explain si Sir kala mo Pres ng frat!
"HUUUUH!!??? eh ano yung kahapon?!" tanong ko ulit
"wala lang yun" sabi ni pipipi
"anung wala?!" binato nanaman siya ni Sir ng postcard ng Music club "tinignan ko kahapon kung sino ang may talent sa wala, at tinignan ko rin kung saan kayo magaling.. At kung sino talaga ang eager maging member ng club naten" explain pa si Sir
"Eh di ba lahat naman eager maging member?" hehe medyo hindi nga ako masyadong "into it" kahapon..
"hindi, dahil kung gusto mo talaga, titingin ka sa bulletin board" ngisi ni Sir.. patay, di ako tumingin sa bulletin.. -_____-

nakalagay sa bulletin board na magkikita kita lahat ng "member" sa basement ng 8am eksakto

di ko nakita.. "ibig sabihin.. tayo tayo nalang talaga ang member?" tanong komga ilan lang ang nagpunta talaga.. nasa 15 na studyante nalang.
"oo, kaya attendance na tayo! MUSIC CLUB!!" sigaw ni Sir..

napatingin ako kay Pipipi.. Ngumiti siya sakin sabay "thank you lang, okay na" sabay kindat..
"t-t-thank.." pinalo ko siya "THANK YOU KA DYAN! KAPAL MO HUH!" pakindat pa kasi! kung wala yung wink baka nagthank you talaga ko. eh! >.<
"hiya ka pa eh" smile siya "thank you na kase~" inaasar na niya ko
"baah! masyado ka nang ano ha! FEELING CLOSE?!?! che! ewan ko sayo!" pinagpapapalo ko nanaman siya at mukhang may isang natutuwang panuorin kami.. nakita kong nakangiti samin si Rence at umiwas nako.. baka kung anung isipin nun.. pumasok nako sa Basement at sinulat ang pangalan ko.

ATTENDANCE.
7. Jazz Mendoza - Piano


"ORAYT!" sigaw ni Sir "17 MEMBERS!! OOOOORAYT!" sabay buhat ng instrument
"Baket?" tanong ko kay sir
"hilig mo magtanong jazz" sabi ni Pipipi
"wala kang pakelam" pagsusungit ko sakanya dahil sa asaran namin kanina
Di ako pinapansin ni Sir tuloy lang siya sa pagbubuhat ng mga instruments sabay napatingin siya samin
"oh?! Anong balak niyo?! Di niyo ko tutulungan?!" nagsungit rin si Sir..

Isa-isang naglapitan ang mga studyante kasama kami ni Rence at Pipipi at tinulungan namin ni Sir.

"Sir, kailangan niyo ba talaga kami ipag-cutting??" tanong ko
"oo naman, magcu-cutting ka kung gusto mo talaga sumali" sagot ni Sir
"eagerness nga raw" singit ni Pipipi
"sabi ko nga" tumalikod ako sabay lipat ng pwesto
"Ano bang ginagawa natin sir?" tanong ng isang sophomore na babae
"eh ano pa? nagliligpit" sagot ni sir
"baket kelangan natin magligpit?" tanong niya ulit
"basta magligpit ka na diyan" tamad ata sumagot si Sir ah "PIPIPI! LIPAT MO NGA TONG KEYBOARD DUN SA TABE? TAS PAKIURONG LANG YUNG CELLO AT BASS SA KABILA" sigaw sabay utos sabay turo sabay sabay
"yes, sir!" ganadong pipipi nanaman ang nakikita ko

nang naiayos na ang mga instruments, nakapagwalis na kami, yung blackboard nasa gilid, yung keyboard nasa tabi ng pintuan, yung bass, guitar, cello at violin nasa tabi lang din, habang ang drums nasa likod ng classroom..

"bat nasa likod ang drums??" tanong ng sophomore na lalaki
"dahil dun siya dapat" sagot ni sir
"tipid ah~" tinapik ko si Sir na parang nagaalala nako sa kanya
ngumiti lang si Sir sakin sabay sabing "OKAY NA! upo na tayong lahat!"

Pagupo naming lahat napansin ko na wow, maayos rin pala tong basement kung aayusin lang talaga. Ibigsabihin.. Kaya kami naglinis, dahil.. ..

"HAIIIIII~" Bugtong hininga ni Sir, paghawak niya ng chalk nagsulat siya sa blackboard [MR. NICK SANTOS]
"EVERYONE! IM MR. SANTOS AND WELCOME TO MUSIC CLUB!"

..sabi na eh, eto ang magiging Music Room~

"palakpakan naman dyan!" sabi ni Pipipi
nagpauto naman ang mga students pumalakpak nga.. :)) eto namang si Sir nag*bow* na akala mo nagperform sa stage.. "thank you thank you" loko ni Sir.

"Sir! Anung nangyare sa Room sa taas?" tanong ng isang sophomore na babae
"alay, binigay ko na sa basketball club, meeting place nila.." sagot ni Sir
"eh~? malaki yung room para sakanila no!" sabi ng sophomore
"ganun talaga, wala naman tayong magagawa, okay na to may sarili tayong lugar dito, mas makakapagfocus tayo sa tugtog natin dito sa.." pagkumpas niya ng kamay "BAAASSEEMEENNT!!" hahahaha tawa kaming lahat.
"tong baklang to" bulong ko
"sama mo talaga" narinig ako ni Pipipi

"OKAY! TODAY WE WILL BE RESTING! nagpatulong lang talaga ako magayos ng clubroom :3" ngisi ni Sir "sa friday! pagmeetingan natin sino officers ng club! :D" excited si Sir..

eh~? wala ako sa friday! panu to?? hmm sulat ko nalang tas bibigay ko kay Sir paguwi, magkapitbahay lang naman kami..

Bumalik na kaming lahat sa classroom namin, ang aga-aga pagod kami, pero sakto lang, natuwa ako sa mga nagcutting, naisip ko rin si Pipipi at Rence, kundi dahil sakanila hindi ako member ng Music Club, isang buong taon akong walang CLUB o naghahapit sa mga clubs.. Salamat Pipipi, sa isip ko lang kita pasasalamatan dahil lalaki ang ulo mo kung sa personal >.>

No comments:

Post a Comment