Tuesday, October 23, 2012

CHAPTER 9 - Ang Pagbabati


Lumipas ang tatlo pang linggo. Eto na ang huling Monday ng July, lumagpas ang nutrition month at unang projects ng ibang subject.. At para sa Club, eto na..

Eto na. Composition..
Kabado ang lahat pero mukhang ako ang pinaka-kabado. Andami kong pinroblema sa ibang subject dahil di ako maka-concentrate. Buti andyan si Rence para tumulong.

Composition Day : July 25 : Clubroom

Since ako ang President, ako ang nauna..

"Hey yo wazzup" napangiti ang lahat, kailangan ipakita kong hindi ako kabado "Ako si Jazz~ Magkekeyboard ako at kakanta si Sir Santos!"
"CHE! HINDI AKO KAKANTA!" sagot ni sir sabay tawa ang lahat
"hahaha eto na nga. Kakanta nako" okay, ako na ang kumanta.. Pero usapan talaga namin si Sir ang kakanta.. Talaga tong baklang to..

Pagkatapos ko.. Sila na. Mga members..

"Uhh, ako si Cyril Magbanua.. Mahilig ako magRap"
"Hi, ako si Desire Jaramilla.. Mag-guitar ako while singing"
"Uhm.. Hehe uhh ano.. Uhm.." mahiyain "ako si Jeremiah, magkekeyboard ako" "at ako naman si Mary, kakanta"
magaling ang lahat pero eto ang inaantay ko..
"Hi! Kami ang~~~" sabay kumpas ng kamay "NCB! No Choice Band!" hahahaha tawa kaming lahat dun
"Mukhang No choice na no choice kayo sa pagpili ng pangalan ah" sabi ko
"haha di naman masyado Pres, sakto lang xD" sagot ng isa
"sige pakilala kayo isa isa" sabi ko
"eto pala si Kai sa Bass, Lalli sa Rythms, Nhei sa Drums, at ako pala si Nami ang Vocs" all girl band sila
"wow ang cute niyo naman, sige tugtog" utos(utos?) ko xDD

Isa isa silang nagpakilala.. Lahat pinakinggan namin.. "Ayos.." Napangiti ako.. Magagaling silang lahat.

Ang huling nagperform si Pipipi at Rence, partners in crime talaga tong dalawang to.. Nagdrums si Pipipi at si Rence nagkeyboard. Naalala ko tuloy nung nag-audition ako sa Music Club.. Ay leche, yun nanaman ang naiisip ko, SIYA NANAMAN NAIISIP KO. Guilty nako masyado ahh.. Bwisit.

Obviously, Jazz Music ang tinugtug nila.. Cinompose nila.. Title Latin Dance.. Latin Dance na ginawang Jazz.. Nice.. Galing talaga..

Habang nagtutugtog sila, nakatitig ako kay Pipipi, inaasar ko ba, parang gusto ko malaman kung titignan niya ako, o hahanapin manlang. "pag to tumingin, kakausapin ko to mamaya" eh HINDI TUMINGIN.. Edi HINDI KO KAKAUSAPIN diba?! Psh.

Pagkatapos nila tumugtog, tapos na ang Club Meeting.. Nag-announce lang ako ng onti..

"ATTENTION EVERYONE, Before we all leave I would like to congratulate everyone for making it this far!!" palakpakan ang lahat
"Dahil last year, di manlang daw tumagal ng dalawang linggo ang club" pahabol ko sabay tingin kay Sir Santos :))

"Another thing guys, since may nacompose na tayong lahat, and since malalakas na kahit papano ang luob natin magperform infront of each other, maybe by september, makakagawa na tayo ng album natin, kahit sample album lang, ng kung anung pinerform natin ngayong araw na to." nagbulung-bulungan ang madla na parang naeexcite
"AT DAHIL DYAN~" singit ni Sir "kailangan na natin mag-ipon!" sabay turo kay Pipipi "halika dito Papa P."
"Yes Sir?"
"Ikaw ang treasurer diba?"
"Yes Sir.."
"Mangongollect tayo starting next meeting.."
"Yes Sir."
"Jazz halika dito" tawag sakin ni Sir
"Hmm?"
"Marunong ka naman sa accounting diba?"
"a-huh"
"Tignan mo magkano kakailanganin natin i-collect everyweek sa number ng members natin para makabuo tayo ng Album til september"
"mm-mm"
"Pag-usapan niyo ni Papa P. ang distribution ng money mula sa recording, instruments, studio.. Studio samin nalang libre na basta kaw na Jazz sa pagkain haha"
"brr okay.." sagot ko na parang di ko napansin yung sinabi ni Sir na paguusapan namin dapat ni Pipipi ang bagay na to
"Papa P!" sigaw ni sir
"Yes Sir!"
"Jazz!" isa pang sigaw
"Ha?! Oh!?"
"oh, magusap na kayo" sabay pinaglapit niya kaming dalawa
"ha?" pagtataka ko "teka~"

"OKAY CLUB! DISMISS!!" senyas ni Sir Santos sa mga studyante

hala ka! Iiwan niya kami dito~ anung gagawen ko~ ??

"teka Sir! uuwi ka na?" tanong ko
"oo baket?"
"eh pano kame?" tanong ko
"andyan si Rence, sabay na kayo sakanya may aasikasuhin pako" sabay walk out
"haaaa~ nu daw?" napaburyo nanaman ako "talaga tong baklang to"
sabay tinapik naman ako ni Pipipi "mag-usap nga raw tayo"
"ah oo nga" sagot ko "so uhh, magkano ba madalas ang recording studios ngayon?" nakatitig lang sakin si Pipipi habang nagdadaldal ako "Tsk, mas mura sana dun sa district eh kaso pangit ng instruments.." ako naman tong nagkukunwaring hindi excited marinig ang boses niya "Pwede naman daw magdala ng sarili" nakatitig lang siya sakin, anu ba? magsalita ka naman! "..pero Hello~ magdala ka ng keyboard or drumset mo? Lol pahirapan pa.."
"Jazz" sawakas! nagsalita ka rin..
"huh?" napatingin ako sakanya
"Galit ka pa ba?" tanong niya at nagulat ako dun
"Galit? Saan?"
"sakin?"
"huh? ano.. di naman ako galit sayo.."
"bat gusto mo'kong layuan ka?"
"di.. ano.. kase.. ano.."
"ano?"
"sorry.." napatungo ako
"bakit ka nagsosorry?"
"kasi.."
"kasi?"
"ano"
"ano?"
"ano kase.."
natawa si Pipipi "anu ba kase yun?"
napangiti naman ako "hehe sorry naman, mahirap magexplain kasi.."
"sige lang. Take your time. Tingin mo ba iiwan tayo ni Sir dito ng walang rason?" explain ni Pipipi
"hm? well.. Oo nga naman. hehe" oo nga naman..... "nainis kasi ako sa mga kaklase kong may gusto sa inyo ni Rence. Simula nung lagi ko kayong kasama, pati ako kinukulit nila.. Nagtatanong ng kung anung meron sa inyo ni Rence.. Tanong ko rin yun sa sarili ko.. Anu nga bang meron kayo at andaming nagkakandarapa sa inyo huh?"
"hindi ko naman kasalanang pinanganak akong sadyang gwapo." sabay pogi pose
"eww ha, tigil mo yan.." pandidiri ko siyang tinitigan ng masama
"haha totoo naman diba?" isa pang pogi pose "biro lang.."
"biro pa.. leche.." bwisit ko
"kahit ano naman ang gawin mo wala nang mababago.. tumigil ba sila sa pangungulit sayo nung nilayuan kita?" oo nga.. hindi rin sila tumigil sa pangungulit sakin kahit ganun ang nangyari.. "alam mo bang buong buwan ako kinukulit ni Sir.. gusto daw niya tayo magusap.. Salamat sa naisip mong album, nagkaron ng rason si Sir para mapilitan kang kausapin ako."
"ako? eh ikaw nga dyan di ka rin namamansin.."
"hala bat ako? eh ikaw may sabi eh"
"ang sabi ko lang naman nun 'wag muna wag muna' di ko naman sinabing 'wag mo talaga akong pansinin'" explain ko pa "gusto rin naman kita makausap no, sadyang di ko lang din alam kung paano, kasi di ako sanay na ako unang lumalapit sayo, baka isipin pa ng iba feeling close ako sayo or whatever...." explain ko pa "ilang beses ko rin tinry titigan ka para mala-" napatigil ako o_o anu tong sinasabi ko??
natahimik si Pipipi... "namiss mo ko?" sabay ngiti
hinampas ko siya "KAPAL MO! Bat kita mamimiss, leche ka.. Magtigil ka ah." sabay tawa naman ang mokong
"tinititigan mo ko?" lumalaki ang ngiti niya
"hindi! ibig kong sabihin.. ano.. tingin! tinitignan ko lang kung papansinin mo ako"
"oh.. miss mo nga ako.." isang malaking ngiti ang nasa mukha ni Pipipi
"HINDI NGA! LECHE! TIGIL NA NGA!" tawa lang ang si Pipipi

tumahimik na ulit ang mundo namin.. ilang linggong tahimik ang mundo ko, pero di ko nagustuhan.. sa ngayon, tahimik kaming nakangiti sa isat isa, siya nakangiting masaya, ako nakangiting naiinis, mas gusto ko na to, kesa naman walang patutunguhan ang araw kong walang ingay.

"oh.. okay na kayo?" biglang pumasok si Rence sa clubroom
"kanina ka pa dyan?" tanong ni Pipipi
"diba sabi ni Sir, sakin kayo sasabay?"
"eavesdrop!!!" sabi ko kay Rence "NAKIKINIG KA NOOO!!??"
"HAHAHAHA malamang" tawa ni Rence "ano? tara na?"
"san?" sabi ko
"sa bahay tayo ni Jazz!" singit ni Pipipi
"HALA BAT SAMEN?" gulat ko
"celebrate ba to Pio?" tanong ni Rence
"oo naman! Celebrate! Tsaka paguusapan pa natin yung sa kaban ng Club"
"oo nga pala.. iish iniba mo kasi ang usapan eh" sabi ko kay Pipipi
"eh para matuwa na si Sir at di na mangulit"
"hahaha tama!" sabi ni Rence
"Rence.. Sigurado ka di ka bakla?" pang-aasar ko kay Rence
"Gusto mo halikan kita para malaman mo?" biglang balik ni Rence sakin
"HAHAHA oo na di ka na bakla pramis last ko na yun"
"Oy oy oy! Kayo ah! Nawala lang ako sa mundo ng ilang linggo ah naggaganyan na kayo" Singit ni Pipipi
"eh etong si Pres eh" sabay tingin sakin
"anong ako? tigilan moko ah haha"

tawa kaming tatlo hanggang pag-uwi nagusap narin tungkol sa Kaban ng Club.. Ansaya ko.. Hahaha ansaya ko lang. sana magtuloy-tuloy XD


CHAPTER 8 - Moodless


Huling Monday ng unang buwan ng Club.
Huling Monday ng June..
Yun na nga, huling linggo na nga, di parin ako pinapansin ni Pipipi.. Iish.. Kasalanan ko na talaga. :I

"Jazz.." Tapik ni Rence "Anu meron sa inyo ni Pio?" tinanong niya habang ako, nakatitig parin sa labas magdamag
"huh?" napatingin ako "Wala naman.." tingin ulit sa labas
"Ooh.." um-oo nalang si Rence at di na nagtanong

Simula nung huling tinginan namin ni Pipipi, hindi na kami nagpansinan.. Hindi ko siya kinikibo(hindi ko naman talaga siya kinikibo kung hindi siya mauuna), ganun din siya sa'kin.. Si Rence nalang parati ko kausap, pinaghahatian namin siya ni Pipipi.. Hehehe

"Okay Music! Kaya niyo pa ba?" sigaw ni Sir Santos
"Yes sir!" sagot naman ang lahat

lumapit sakin ni Sir Santos sabay bumulong "anung meron?" sabay tingin kay Pipipi na busing busy matulog "isang buong linggo ko ata di narinig ang kulitan ninyo?" pahabol tanong ni Sir
"huh? Wala naman.." sagot ko
"yan din sinagot niya sakin Sir" paburyong singit ni Rence
"hmm kung anu man yang problema niyo wag niyo dadalin sa Club ah" advice ni Sir
"baket ser? may nakakapansin ba?" tanong ko
"tignan mo paligid mo" pagtingin ko sa paligid ko, antahimik nga ng Club ngayon
"eh baka wala rin sa mood mga members sir" sabay salongbaba ako
"tangek, malamang nararamdaman din namin yun no" binatukan ako ni sir sabay pasungit na umalis
"di naman kami magtatanong kung wala kaming nakikita o nararamdaman" pagdadrama ni Rence na mukhang namimiss na ang trio namin "hindi na rin sumasabay sakin ni Pio at hindi na nangungulit tulad ng dati"
"tinanong mo ba siya anung problema niya?" tanong ko kay Rence
"oo"
"ano namang sabi niya?"
"wala. tulad mo. wala."
"hmm" tinitigan ko si Rence
"baket ka nakatitig sakin???"
"bakla ka ba?" sabay ngiti ako
bumusangot ang Rence sabay "hindi. Naririnig mo ba sarili mo Jazz?"
"hehehe hula ko lang naman. Mukhang magkakatuluyan kayo ni Pipipi kung sakali. Hohoho" inasar ko na siya
"haha nakuha mo naring mangulit Jazz" tawa ng mokong "ang kulang lang ng araw ko"
"ganun din ako" sabay simangot
"kausapin mo na kasi si Pio"
"desperado ka na?" pang-aasar ko ulit
"miss mo rin naman siya eh"
"hindi no, ako naman may gustong layuan niya ko eh"
"bahala ka" sabay tumahimik na ang Rence

Totoo nga, kulang ang araw ko, kulang na kulang, sa loob ng tatlong linggo nagin close ko na sila, parang ilang taon na kaming magkakaibigan at magkasama. Nakakainis. Kaya siguro di ako mapalagay.. Pero, aasarin at pagkakaguluhan nanaman ako ng mga kaklase ko kung papansinin ko ulit si Pipipi. Kaya wag nalang. Hayaan nalang nating ganito.. Mas maigi nang ganito.

Umalis na si Rence sa tabi ko, at lumapit naman kay Pipipi. Naguusap sila. Sabay natulog ulit ang Pipipi. Nakakamiss nga naman, madalas pagpasok ko palang sa Clubroom bubungad agad si Pipipi ng 'HI PRES!' sabay mangungulit at si Rence pagtatawanan lang kami at sasabihin "Ang cute niyong dalawa" brr cute pa, di naman. Makulit lang siguro. Pero di kami cute. Maganda ako, oo. Haha biro lang.

Tapos na club meeting, nagkakalihisan kami ng tingin ni Pipipi, yun lang..

..yun lang yun.

CHAPTER 7 - Composition!


Sa Classroom. Chemistry Class..

Ba yan.. Kalokohan kasi ng mokong napunta sa wala pagtakas ko sakanila sa class kanina. Bwisit.. Bigla ko tuloy naalala yung drawer moment.. LECHE! >.< di na talaga ako lalapit dun! Blackmail pa aysus! Grr..

Habang nagkaklase hindi mawala sa isip ko yung drawer moment. Yung panahong lalapit na yung Nurse sa drawer kung san naggigitgitan kami ni Pipipi.. Tapos yung napapakapit nako sakanya kasi binablackmail niya ako sa pagbitaw.. Ang lapit ng pagmumukha niya sakin huh.. Tas.. Tas yung.. SH*T! A-ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Nakakainis! Yung.. Grr.. Tumatak na isip ko yung pagmumukha niya .. Yung mukha niya.. Nung..

"jazz!" tapik ni Carrie tropa ko, katabi ko sa classroom "kanina ka pa tinatawag ni ma'am"
"MENDOZA!" biglang tawag naman ng teacher namin na si Ms. Sayson
"YES MA'AM!" napatayo naman ako agad
"namumutla ka, ayos ka lang?" tanong niya "wala ka nanaman sa sarili mo"

tahimik lang ako

"ma'am! baka iniisip si crush!" biglang sigaw ni janjan isa sa pinakamakulit sa class 
"uyy~ kuma-crush na si jazz!! party na too!!" asar naman ni tiffany, isa sa pinakamalandi sa class
"oi sino si crush huh?!" asar pa ng isang malanding si eunice
"wui diba lagi mong kasama yung gwapo ng loyal?!"
"teka teka! sino dun? yung pogi o yung cute?" (cute = rence | gwapo = pio) 
"hoi wag yung cute akin na yun!!" biglang sigaw ni tifa
"BAKA NAMAN NALILITO SA DALAWA?!?!" 
"malay niyo BOTH!"
"HABA NG HAIR NI JAZZZ!!!" 

tawanan ang lahat..

at walang katapusang pagaasar.. at naaasar talaga ako -_- kaw banaman pagtulungan ng buong class.. di na sila natapos buti pinigal ni Ms. Sayson ang asaran.. 

"tama na tama! Kayo talaga! Kapag sagot sa tanong ko wala kayong masabe, pero pagdating sa kalokohan bira kayo ng bira. Hala! Sige! Tikum niyo yang mga bunganga niyo at baka matahi ko yan ng di oras.. Mendoza, upo na, makikinig ka rin kasi, wag masyadong isipin ang love life iha, unahin ang studies, pwede?" advice advice-an si ma'am na NBSB "oh sige, para makabawi ka sakin dahil di ka nakikinig kanina, draw me a diagrammatic representations of electron configuration"

"huh? yes ma'am" napasunod nalang ako.. alam ko naman yun, basta may drawing marami akong alam.. Ayoko nalang din sumagot.. Nabubwisit lang ako.. Di talaga mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Pero hindi pwede, kailangan isipin ko muna yung club.. 

tumahimik na ang lahat.. natuloy na ang klase.. ganto kami dito, di tulad sa ibang section na tahimik at nagaaral.. Ganun talaga.. Nasa LOWEST section ka banaman.. Bawal nerd dito.. Meron kaming isang nerd, si Ronnie, laging napagtritripan, dito, walang panahong tahimik, siguro after 10 minutes iingay ulit dito.. Pasensya naman kasi, hindi ako biniyayaan ng matinong utak..

dumaan na ang Chem Class, Health naman, eto na, walang matino sa health class, dahil mabait ang teacher nakakapagingay at gulo ang lahat.. Minsan pati teacher pinagtritripan.. Para kaming nasa public school :|

"Jazz, close mo talaga sila Pio Dela Cruz?" sabi ni Carrie "pati yung new comer?"
"hindi." deretso kong sagot "ka-officer ko sa club kaya lagi kong kasama"
"eh~? I-close mo na! tas pakilala moko" landi lang 
"EH~? Ayoko dun, mayabang yung Pio, mabait si Rence pero ayoko paren, kung gusto mo iclose edi ikaw lumapit!" pagsusungit ko
"sunget!~" sabay talikod ni Carrie

wew.. ganun ba kagwapo yun? at mukhang sikat na sikat sa madla? bakit di ko siya napansin last year kung sikat siya talaga.. baka nagsisikat sikatan lang.. palitan na niya araw sa tingkad ng sikat niya bwisit. Di niya ko mauuto leche. Si Rence nalang.. Crush-crush-an ko naman yun eh hihihi

Ay basta! Bwisit, kailangan ko na magisip ng tungkol sa Club. Hindi ko pupuntahan sila Pipipi mamaya.. Kahit na sinabi kong "kita-kits" wag nalang. Bahala na..

[KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING]

SAWAKAS! LUNCH NA!

Umupo ako sa usual kong upuan. Madalas mag-isa, minsan may  kasama, marami akong tropa pero ayoko sumama sakanila,  mabubwisit lang ako..

Habang nagiisip ako ng gagawin mamaya sa Club

"Uy Jazz! Kwentuhan mo ako about sa new comer.. Mabait?" biglang  tabi ni Eunice
"huh? Si Rence? Medyo, minsan may saltik" sagot ko
"Eh si Pio? Close mu?" tanong naman ni Tifa
"hindi.." sagot ko
"Kwentohan mo pa kami tungkol sa dalawa, dali!!!" biglang singit ng  isang di ko kilala
"Huh? sino ka?!" gulat ko naman
"alam ko mabait yun si Pio, pasaway daw pero matulungin" sabi nung  babaeng di ko kilala
"oo at yung rence daw super yaman, donate ng donate" sabi ng isa  pang hindi ko rin kilala
"uhh, huh? teka teka.. bibili lang ako ng kakainin ko" takas ko
"sige bili narin kami" sumama pa sila "oo nga baka lumapit din satin  sila pio at rence awii!!"

tilian sila sa likod ko =_= ba yan.. sila na malandi.. sila na frustrated..  sila na.. sila na maingay x_x paano ako makakapgisip neto.. leche  naman oh, kahit kelan kahit saan pahamak ka sa buhay ko Pipipi..  Nadamay pa si Rence x_x

umupo ulit kami at walang katapusang nagtatanong sila tungkol kina  Pipipi at Rence.. Kung tutuusin, parang ang close na nga namin,  nakasakay na rin ako sa CAAAAAAAAAAR ni Rence, at nakapasok na  sila sa bahay ko.. Pero.. Wala akong masyadong alam tungkol  sakanila..

'alam ko mabait yun si Pio, pasaway daw pero matulungin'
'oo at yung rence daw super yaman, donate ng donate'

mga bagay na ang malalandi pa ang unang nakaalam.. bakit ko ba  iniisip yun? Wala naman akong pakelam dun..

tanong parin ng tanong ang mga mangkukulam tungkol sa balak  nilang kulamin.. pero hindi ko na sila naririnig.. gusto ko lang na  magisip para mamaya pero panu ko gagawin yun? nakakaleche  naman kasi ang ingay ng mga babaeng to..

sa kalagitnaan ng kaingayan at blangko kong mukha na hindi  makakain, biglang may tumambad sa harap ko..
"excuse me.. Pwede ko bang hiramin si Jazz?"
paglingon ko sa taas..
"oh, Pipipi.."
nagtilian ang mga babae at hinatak nako ni Pipipi
"okay ka lang?"
hinawi ko kamay niya "wag moko hawakan" sabay talikod
"oh anu nanaman problema mo? kala ko ba di mo nako susungitan?"
"hindi ako nagsusungit"
"eh anu nga problema mo?" sabay lapit sakin
"wag moko lapitan!" sabay tulak sakanya "BASTA! Ano, wag muna.."  nakasimangot nako, nakakunot ang kilay at hindi na mapinta ang  mukha
"Wag munang ano?"
"uy ano meron?" biglang singit ni Rence sabay ko naman naisipang  umalis
"Hi Rence! Bye Rence!" sabay *bow* sabay lingon kay Pipipi sabay  sambit ng "Maya nalang sa club" sabay alis
"anung nangyari?" tanung ni Rence kay Pipipi na hindi naman  sumagot..

Wala.. Wala na.. Wala na akong maisip pa.. Sabay sabay na  problema ano ba naman to..

Lumipas na ang maghapon.. Ayan na ang Club.. Ayan na ang  walang kwentang president.. Ayan na ako.

Club Meeting

"Attendance" Sir Santos
"Kumpleto na po tayo" Sagot ni Jinky, secretary ng club
"Orayt! Report na Jazz" tawag sakin ni Sir pero di ako sumasagot
"Jazz??" nakatingin lang ako sa labas
"JAZZ!!"
"ah yes! Ha?" gulat ko
"Report na" sabi ni Sir
"ha? ah oo nga.. Ano.. Uhm.." Nakita ko yung libro ng isang studyante about sa Composition "Composition.." LANGYA! YUN LANG ANG NASABI KO!
"Anong composition?" Tanong ni Sir..
"Uhm.. Try natin lahat magcompose.." sabi ko at bigla na gumana ang utak ko "Bali, mahilig ang musician sa covers diba? Pero para maiba naman, why not try composing? Diba? I mean, para malaman talaga natin yung kung anung genre natin.. Plus.. It's like, getting to know who you are, and getting to know others as wel.. Yung pagkakaiba iba natin sa isat isa.. Maipapahiwatig natin thru our own composition.. By style, genre and instrument.. Pwedeng instrumental lang, or a simple song lang rin.. Basta you have to compose something na gusto mo talaga, yung 'IKAW' mismo.." wow.. gumana nga ang utak ko.. :3 galing ko talaga! binabawi ko na yung 'walang kwentang president' na sinabi ko kanina..
"Very nice.." sabi ni Sir Santos "You can form a band if you want for pop rock or instrumental, pwedeng solo, pwedeng duet, pwedeng quartet, quintet or triplet.. Basta magawa niyo ng maayos, I will be giving you all this whole month for composition, next meeting you guys can talk about everything, while today, you choose who you're gonna be with or kung magsosolo play kayo" sambit pa ni Sir
"Wow sir, bilis mo magreact sa sinabi ko ah" namangha naman ako dun
"Oo naman, yan din nasa isip ko, buti naisipan mo yan"
"hehehe pinaghirapan kong pagisipan ang gagawin ngayong araw na to.."
"Naks, 'get to know each other' huh" sabay smile si Sir
"tehehe ofcourse, naisip ko rin, hindi uusad ang club kung hindi natin kilala isat isa, at kung hindi natin alam ang trip ng members.. Sana lang magsucceed.."
"tiwala lang Jazz.." sabi ni Sir..

Tumingin ako sa paligid ko, hindi ko alam bakit pero hinahanap ko yung makulit.. Si Pipipi.. at yung cute.. Si Rence.. Asan sila? Ayun.. Sa likod, tahimik, naguusap, parang normal na member lang din, nabigla ako sa sinabi ko kanina.. Parang tinaboy ko naman siya.. Naguguilty ako.. Eh kasi naman.. Nagugulo nako ng lahat dahil akala close kami..

Napatingin siya sakin.. Napalihis naman ako ng tingin sa iba.. Napatingin ulit ako.. Aba! Nakatitig lang sakin.. Di nako makagalaw ng maayos.. Antayin ko nalang matapos ang araw.. Atleast may naisip naman ako para may gawin ang club..
Naguwian na at lahat lahat.. Sabay kami ni Sir Santos sa motor niya, nakita ko si Rence at Pipipi pasakay ng kotse, napatingin sakin si Pipipi pero lumihis ako ulit.. Simula nun, hindi na niya ko pinansin..

Bahala na. Mabuti na yun. Goodluck ulit? Syempre diba? Di mawawala ang GOODLUCK.. :I

/end.chapter7


CHAPTER 6 - Si Pio at ang Cabinet


Monday Morning

"Wala nang sopas" tindera
"eh~? edi.. uhh yung.. yun! Sabaw.."
Kinuha ng tindera ang inorder kong sabaw ng sinigang, dapat libre lang to eh hmp
"oh" sabay abot sakin ng pagkain
"salamat" sabay bayad

"haii" habang kumakain ng sinabawang kanin
wala akong maisip na kahit anong plano para sa Club, kailangan ba talaga? tinanong ko naman si Sir Santos pero anong sinagot niya sakin 'kaw president, kaya mo yan' ?? Iish~ Kung manghihingi naman ako ng tulong kay Pipipi, siguradong aasarin lang ako nun.. Dagdag pa sa mga utang na luob ko sakanya. Pero..
Napaisip ako..
"Oo nga noh! :D" Napasigaw ako at biglang napatingin ang mga tao sakin. "Hehehe sorry"
Kumuha ako ng papel at nagsulat.. Tumayo at naglakad ng mabilis..

Papuntang..

'III- Loyal'

Pagdating ko sa classroom ni Pipipi, dahan dahan akong sumilip sa likod ng pintuan, hinahanap ko kung saan siya nakaupo, "iish di ko makita" kahit si Rence di ko mahanap, lagot, baka sa harap sila nakaupo.

"hui" bulong sakin ni Daryll, isang super nerd na nagiisa sa likuran ng classroom.
"Ha?" ay! sakto! "Dril, bigay mo to kay Pio" sabay abot ng papel
"Anu to? Bawal yan dito"
"Wag ka na magpakanerd ngayon okay? Please, bigay mo lang importante yan"
Kinuha ni Daryll yung papel sabay binuksan
|  'PPPPPPPPPPPPP!!!
|  LABAS KA DALIIII!!!!
|  SAMA MO RENCE KUNG GUSTO MO!
|  -JAZZZZZZZZZZZZ'
"HUI! Wag ka makibasa dyan" sabi ko kay Daryll
"Pinagcu-cutting mo si Pio at Rence? Kaibigan mo si Rence Santiago?"
"Oo baket?"
"Pano?"
"Pakelam mo? Basta bigay mo na yan PLEEEAASSEEE wala nakong oras"
"Sige, bibigay ko, kung tutulungan mo rin akong maging kaibigan siya"
"Baket? Oo basta bigay mo sige na"
"Deal yan ah"
"oo~~~~"

at sawakas binigay na ng supernerd ang papel

Habang lumalakad ang papel sinusundan ko to, pinupunto ko kung saan nakaupo ang mokong sabay "un! sa harap!?" sa harap!? wow sa aral.
Dumating kay Pipipi ang papel sabay tingin sa likod, sa akin, lumihis ang tingin niya na parang walang nangyari pero mukhang nakita siya ng teacher
"Dela Cruz, answer this question, kung sansan ka tumitingin" sabi ng Math teacher na si Mr. Caballero
"Yes Sir" bago pa tumayo si Pipipi pinasa na niya yung papel patungo sa gilid kung san di ko na matanaw dahil nasa labas ako, at sumagot na nga siya "Given that the adjacent side is 15cm over the opposite side x equal tangient function......."
"shit~ galing ni Pipipi sa Math" o_o nagulat ako grabe
".4 multiplied to 15 is epual to 6, so the final answer is 6cm"
"Very well explained Mr. Dela Cruz, as usual" pagbigay pugay ng teacher
ang galing naman nun, no wonder nasa highest class siya, at nasa front row pa, damn, kaya siguro ang yabang nito, kung kasama siya sa klase ko malamang pinalakpakan na siya ng lahat.]=
ilang saglit pa akala ko nalimutan na niya ang sulat ko pero biglang
"Sir! Si Rence nahilo!" sabi ng isang student. HALA anung nangyayari! DI ko makita!
Binuhat ni Pipipi si Rence sabay sabing "Dadalin ko siya sa clinic!"
Paglabas niya ng classroom bigla siyang tumingin sakin sabay KINDAT! Yun! Senyas na 'TARA NA!'
tumayo ako at tumakbo papunta kina Pipipi

"HUI! PIPIPI! ANUNG NANGYARI KAY RENCE?" tanong ko habang nakikitakbo
pagbaba namin sa clinic binaba ni Pio si Rence at biglang sinabing "Hoi! Mabigat ka!"
"hehehe" sabay dilat ni Rence "eh antagal bago moko binaba eh"
"HA?! ANONG DRAMA TO?" nagulat ako
"HAHAHAHAHA" nagtawanan ang dalawa
"ano problema mo? kailangan mo ba kame?" yabang ni Pipipi
"ewan ko sayo!" tumalikod ako na may mukhang gulat na gulat na natatawa

ang kukulit ng dalawang mokong na to, kung anu anung gagawin para lang magawa ang gusto nila.. Nakakatawa..


"wag nang masungit, magkakakwrinkles ka" pang asar ni Pipipi
"ewan ko talaga sayo" pangsusungit ko nga
"anu bang meron?" biglang singit ni Rence "bakit mo kami kailangan" sabay pasok sa Clinic na minsan lang magkaron ng nakabantay na nurse
"a-ano~" nauutal pako "kasi.. sa club" sabay simangot ako "wala akong maisip na pwedeng gawin para sa club mamaya"
"sus, president ka di mo alam gagawin" kamot ulo si Pipipi
"EH KASALANAN KO BANG MAGING PRESIDENT!" pasigaw ko sakanya "KUNG TUTUUSIN-" tinakpan ni Pipipi bibig ko
"ang ingay mo mahuhuli tayo eh" sabi ni Pipipi sabay silip sa labas ng clinic
hinampas ko kamay niya sabay tanggal "kung tutuusin, kaw may kasalanan bat ako naging president eh! di ko naman ginusto!" pabulong ko na sinabi
simenyas si Pipipi kay Rence na bantayan ang pinto ng clinic sabay sagot sakin "hindi ka naman talaga napilitan eh, kung napilitan ka matagal ka na nagback out"
"kung pwede lang talaga magback out nun no! ginawa ko na!" sagot ko
kumakampas ng kamay si Rence na sinasabing may paparating sabay tago sa likod ng kurtina na nagtatakip sa bawat higaan, sabay hila naman sakin paupo ni Pipipi sa likod ng drawer malapit sa pader, may maliit na space kasi dun sakto saming taguan..

napatingin ako sakanya.. sabay simangot na sinasabing "bwisit! ikaw kasi!"
at yung tingin niya sakin parang "oh? bat ako?!"

tumahimik kaming tatlo at may pumasok na nga

habang iniintay namin umalis yung studyante at nurse sa clinic naririnig kong papalapit sa drawer yung nurse, eh hindi ako makaurong kasi nagigitgit ko si Pipipi sa pader, naa-out of balance din ako kasi naka-tip-toe ako habang nakaupo.. hindi ko na alam gagawin ko -_- 
sabay bigla naman akong hinatak ni Pipipi palapit sakanya, sa sobrang gulat ko naman muntik nako mapa "mmm!" pero buti natakpan ni Pipipi bibig ko

"kalma ka lang" bulong niya
"bitawan moko" bulong ko
"sige ka, pag binitawan kita, tutumba ka dun mahuhuli ka" panakot niya
"ewan ko sayo" sabay lihis ako ng itngin
"problema mo ba? sabi mo kelangan mo kame pero sinusungitan mo nanaman ako" bulong pa pero di ako sumagot
"sige, bibitawan na kita" panakot nanaman niya
"wag~" sabay kapit ko sakanyang mahigpit
"promise mo muna, di mo na ako susungitan"
"nambablackmail ka ba?!?" medyo napalakas ata boses ko sabay higpit naman ng hawak ni Pipipi sakin
"wag sabi maingay~" bulong niya

mukang narinig kami nung nurse LAGOT! buti may halaman malapit na hindi kami nahahalata sa likod ng drawer..

'ano? bibitawan na kita?' sabi ni Pipipi na walang boses, binasa ko lang bibig niya
habang nakasimangot, tinaas ko ng onti kanang kamay ko sabay 'pramis' pero wala ring boses

sisilip na sana yung nurse pero sakto namang tinawag siya ng isang teacher at kailangan niyang lumabas sabay sambit ng "may daga siguro"..

"haii" napabuntong hininga ako ng malaki.. sawakas~ 

pagtayo namin ni Pipipi nagulat pa kami..

"anong ginagawa niyo dyan?" SI DARYLL!
"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" tanong ko na talagang nagtataka ako
"masama pakiramdam ko" sabi niya
"pero kanina lang..." nagtaka ako kasi okay naman siya kanina.. sabay  nakita ko siyang tumingin kay Rence
"ahh" sabi ko "pagaling ka ha" sabay ngiti ako sakanya
"oo, salamat, eh kayo, bat sa dinami dami ng tataguan niyo dyan pa?" tanong ni Daryll
"no choice" sagot ni Pipipi sabay hanap kay rence sa likod ng mga kurtina "ayun oh, tago tago din ah" tawa pa
"Oh Daryll, may sakit ka?" sabay tanong ni Rence
Naisip ko bigla yung talagang pakay ko at tinanong ko ulit si Pipipi 
"uy, pano na?" sabi ko
"pramis ka muna" pangaasar ni Pipipi
"Oo na nga!! dali na kasi!" nagmamadali nako
"hmm .." nagiisip si Pipipi
"anu na?" ako
"teka"
"tagal"
"malamang magiisip muna ako diba? magisip ka rin"
"kaya ko nga kayo pinuntahan diba, kasi wa-" napatigil ako kasi..


[KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!]

WAAAAH! Kailangan ko na umakyat T.T

"Tsk. Anong oras lunch niyo?" tanong ko
"11:45- 12:30" sagot ni Rence
"ah ok, 11:30 - 12:15 lunch ko, bell na eh akyat nako" sabay pigil ni Pipipi sakin
"aba! matapos mo kaming itakas sa favorite subject ko kaw ngayon aalis?"
"aba! hindi ako pwede magcutting sa subject na most wanted ako no!"
"anung subject mo na ba?" tanong ni Pipipi
"Chem"
"halaaaa kaya pala.. Sige akyat ka na" sabi ni Rence
"salamat Rence ikaw lang nakakaintindi sakin" may pagluha ko pang sinabi
"ano?! paaalisin mo nalang si Jazz, Rence?!" reklamo ni Pipipi
"hayaan mo na Pipipi"
"pero~"
Lumabas nako sabay "kita kits!" sakanila

-------------------

Clinic: Dumating ulit ang Nurse at inasikaso si Daryll na nagsasakit sakitan lang..

Nakatingin naman si Rence kay Pipipi habang si Pipipi tuloy tuloy sa reklamo "bah ako pa dapat magisip ng gagawin niya sa club ha tas lalayasan ako at lahat lahat, nako sa susunod pagbabayarin ko na yun"
Biglang natanong ni Rence "May gusto ka kay Jazz no?"
"ha?! Bat ako magkakagusto dun?! kita mong ang sungit sungit nun eh" gulat na paliwanag ni Pipipi
"Umamin ka nalang kasi" nangaasar si Rence
"Reeeeennccceee, kelan ka pa natutong mang-asar ha??" sabay himas ng buhok ni Rence
"Pio! Wag mo galawin buhok ko!" tawa naman siya
natahimik sila
"Di nga?!" tanong ulit ni Rence
"hindi.. Imposible mangyari yun Rence.. Imposible" sabay ngiti si Pipipi
"Okay, sabi mo eh" ngiti rin si Rence


.end.chapter6/


CHAPTER 5 - Si Jazz, Si Pio at Si Rence


Ilang araw ang lumipas.. Friday na ulit.. Di ko naramdaman ang buong linggo, I mean, di ko nafeel yung pagka-president ko sa Club, Di kami naguusap ni Sir tungkol dun, kahit sabay kami pumapasok at umuuwi, hindi ko alam anung mangyayari sa lunes. Pero sa ngayon, naiisip ko, sawakas, uwian na, gusto ko na umuwi at magpiano nalang sa bahay..

Uwian, sa Quadrangle A kung san nag-aassembly ang highschool tuwing umaga.

"Jazz! Uwi ka na?" tanong ni Sir
"Bakit po? Sabay po ba tayo?" tanong ko
"Baka mamaya pa ako, may meeting pa kaming mga advisor"
"ahh sige po una nalang ako"

inabot sakin ni Sir yung gate pass, bawal kasi lumabas ng walang gate pass or service.. oo higschool na ako pero ganyan parin patakaran nila.

"Bye Sir!" kaway ko kay Sir Santos
"Ge!" kaway siya pabalik

tinatamad pako umuwi.. bago pako makaalis sa Quad A napatingin ako sa taas.. sa 3rd floor.. nakatitig ako sa mga classroom.. Napaisip nanaman ako.. 
"anong section ni Pipipi?" tss.. bat ko ba iniisip yun, pwede ko naman siya tanungin sa Monday.. 

"ano kayang section ni Pipipi??" di ko namalayan natanong ko ulit yun.. Sabay lihis ng tingin.. naglakad nako palabas ng Quad A.. napatigil ako ng lakad at napalingon ulit sa mga classroom..

"ano nga kayang section ni Pipipi?" at .. natanong ko siya ulit.. at biglang..

"Loyal~" may bumulong sa tabi ko, paglingon ko
"WOII!" natulak ko siya, nagulat ako anlapit ng mukha niya saken! "PIPIPI! ANUNG PROBLEMA MO!?!?" sabay tinakpan ko bibig ko ng dalawang kamay
"hahaha, loyal nga section ko.. grabe ka naman magulat.." tukso ni Pipipi
"oh eto na" biglang singit ni Rence na may dalang mga libro
"uyy! etong inaantay ko eh" excited nanaman ang pipipi
"oh hi Jazz" bati ni Rence
"h-hello" sagot ko, namutla ako sa pagkagulat di ako makapagsalita ng maayos
"uwian niyo na pala??" tanong ni Rence
"oo~" sagot ko
si Pipipi busy sa mga librong hawak niya, tungkol san ba yun? ba malay ko! >.>
"san ka ba nauwi?" natanong ni Rence
"ah sa Ipil lang.."
"oh malapit ka lang pala samin"
"san ka ba?" iihh naexcite ako gusto ko malaman san nakatira si Rence
"Dao" waw lapit nga. >.> eh malaki ang Dao? San dun??
"San sa Dao?" tanong ko gusto ko talaga malaman
"East Drive" eh~ malapit nga.. "Sabay ka na samin" Ngiti niya.. teka, 'samin?' kasama niyang umuuwi yung.. "kasabay natin si Pio" ..ay grabe!!! Taking advantage talaga!! Napabusangot ako kay Pipipi..
"Bat mo hinahayaang i-take advantage ni Pipipi yang kabaitan mo?" tanong ko kay Rence na medyo nangaasar.. Natawa lang si Rence pero mukhang masaya siya sa piling ni Pipipi xDD
"Okay naman siya" sabi ni Rence nakatingin kay Pipipi
"eh? Anung okay sa ugali niyan??" nakatingin kami kay Pipipi na biglang nabitawan yung ibang librong hawak niya, madami kasi. Sa pagkakahulog ng mga libro nagkatinginan kami ni Rence at natawa kami pareho
"hahahahaha point taken!" sabi ko "maigi nga namang may kasama kang napapatawa ka ng di niya alam" dagdag ko pa
"natutuwa ka rin pala kay Pio eh" tawa rin si Rence
"HUH? di ako NATUTUWA, NATATAWA ako! magkaiba yun" tawa pa kame..

"sige na nga! sabay nako senyo, nang masaya naman ang uwian ko" sabi ko kay Rence na biglang sumenyas ng 'tara na' kay Pipipi

Nung una akala ko magcocommute lang, ako kasi naglalakad pauwi, para mas tipid, pag kasama ko si Sir Santos pauwi naka-motor kami or Jeep lang pero nung lumabas kami ni Rence at Pipipi, isa pang kinagulat ko na hindi naman dapat ikagulat..

"WAW CAARRR!!" sabi ko na may tonong pambata
"galing no?" sabi ni pipipi "yaman nito eh" sabay akbay kay Rence
"sakay na" sabi ni Rence na nakatawa kay Pipipi
"sabi sayo Rence wag ka papatake-advantage dito eh!" tukso ko kay Rence
"nung sabe mo?!" narinig ako ni Pipipi
tawa nalang kami..

at sumakay na ng kotse

"bat mo nga pala gusto malaman section ko?" tanong ni Pipipi sakin sa luob ng tahimik na kotse ni Rence
"huh? di ah! bat ko naman gusto malaman?" tanong ko rin yan sa sarili ko :P
"narinig kita kanina eh" sabi ni Pipipi
"Di ah! namali ka lang ng rinig" lakas naman ng pandinig mo! bulong kaya yun!
"malakas kaya pandinig ko~" ngisi ni Pipipi
"sabi ko nga." pahiya ako xD sabi ko nga narinig niya diba?
"bakit nga?" pangungulit ni Pipipi
"kulit mo no??" inis kong sagot
"san ka sa Ipil jazz?" singit ni Rence
"uhh sa pagitan ng Rainbow at Kalayaan, sa bungad lang.." sagot ko
"kaw Pio? Senyo ba muna?" tanong ni Rence
"uhh sige kina Jazz na muna" palihis na sagot ni Pipipi at bigla siyang natahimik 
"magulo bahay mo no? ayaw mo pakita saken?" inaasar ko si Pipipi
"Di ah! Maayos ako sa gamit no!" Depensa ni Pipipi
"eh bat ayaw mo muna dumaan sa inyo? ako naman ang nangungulit
"eh bat gusto mo malaman section ko??" at binalik niya sakin ang pangungulit
"eh ewan ko, kaklase mo kasi si-" napatigil ako muntik ko na masabi pangalan ni Rence!
"huh?" nagtaka si Pipipi
"ewan" tumahimik naman ako, at saktong andito na ako sa bahay ko.. "ayan! dyan! yang silver na gate na mukhang gubat! yan ang bahay ko.." tinuro ko agad ang malagubat kong bahay, dahil hindi nakakapagtrim ng halaman..

lumabas na ako ng kotse at nagpaalam.. "bye" smile kay Rence, at 'hmp' kay Pipipi..

*kling kling kling*
(wala kaming doorbell, meron lang kaming pinagdikit dikit na chimes na may mahabang tali, hahatakin namin yun at yun! yun ang bell ng gate)

isa pa..
*kling kling kling*
wala bang tao?

"jazz, dyan ka ba talaga nakatira?" pangaasar ni Pipipi
"bat naman hindi?! wag ka nga.. teka?! bat andyan ka?!" nasa likod ko na si Pipipi?! at.. nasa likod niya si Rence.. "ha!? papasok pa ba kayo?" iish nahihiya ako.. ngayon lang ako nagdala ng lalaki.. hahaha pangit pakinggan.. I mean, kaibigan kong lalaki, dalawa pa! Si Sir Santos lang ang lalaking nakapasok sa bahay ko na hindi ko kamaganak >.<
"oo, bakit, masama? Magagalit ba parents mo?" tanong ni Pipipi
"hindi, wala parents ko dyan" sagot ko

lumabas na si Mamang.. Lola ko, siya rin ang nagturo sakin magpiano, at nagalaga, at nagpalaki.

"oh bat wala si Niko(tawag ni Mamang kay Sir Nick Santos)? at sino tong dalawang to?" nagtaka siya
"mang! Si Rence po at si Pi- Pio~" haha muntik nang 'pipipi' "Officers po ng Music Club" pakilala ko sakanila "Guys, Si Mamang, lola ko"
"Magandang araw po" sabi ni Rence
"Hello po" sabay tungo ng nagmagandang batang si Pipipi
"oh siya pumasok na kayo"

pumasok kami sa luob at tahimik kaming tatlo.. Umupo sila sa sofa at nagpunta ako kay mamang para tulungan siya maghanda ng meryenda para sa bisita..

"Pio" tinapik ni Rence si Pipipi
"oh" sagot agad siya
"tahimik ka"
"huh?"
"wala"
"good" tahimik lang si Pipipi nakakapanibago nga naman..

napansin ni Rence na nagtitingin tingin sa paligid si Pipipi.. Nakaupo lang sila sa sofa pero ang mga mata kung sansan napupunta..

"Sino kaya yun?" tanong ni Pipipi sabay turo sa picture sa ibabaw ng piano malapit sa sofa.
"Hmm, ate?" hula ni Rence
"di niya hawig, siguro, tita or pinsan" hula ni Pipipi
"bat di nalang natin tanungin ni Jazz?" 
sabay lumitaw ako na may dalang inumin at sandwich "oo nga naman, bat di mo itanong sakin Pip- pi-yooo" singit ko "pinaguusapan niyo ko ah" sabay bigay ng sandwich
"di ah, naisip ko lang kung sino yun"
"ito?" kinuha ko yung picture "ate ko"
"sabi ko sayo eh" sabi ni Rence
"bali 7 years pagitan namin :) 22 na siya" explain ko
"wow, edi nagtatrabaho na yan?" tanong ni Pipipi na tonong may interes sa ate ko
"oy oy! tumigil ka ah! ate ko yan!" binalaan ko siya
"baket? natanong ko lang naman!" depensa ni Pipipi

Nagasaran lang kami buong magdamag hanggang umabot sa oras na kailangan narin nilang umuwi..

"Ay sige po, uwi na po kami.." Sambit ni Pipipi sa lola ko
"okay, nakakatuwa naman ang ingay niyo" sabi ng lola ko
"hehehe pasensya na po" sagot ni Pipipi
"ay di, ang ibig kong sabihin, natuwa ako sa inyo, napaingay niyo ang bahay ng maganda" explain ng lola ko "tahimik kasi dito palagi ang tanging maririnig niyo lang yung piano ni jazz" dagdag pa niya
"oo nga no may piano nga pala si jazz dapat pinatugtog natin siya"
"ay! uuwi na kayo diba?!" singit ko bago pa may maisip tong mga to "oh hala sige uwi! gabi na mapagalitan pa kayo ng mga nanay niyo! go go go go!" pilit ko silang pinapauwi.. "mang naman..." bulong ko kay mamang na kasamang 'nahihiya ako'..
"o sya! maggagabi na, umuwi na kayo, balik kayo dito at tumugtug din kayo minsan" paalam ni mamang
"opo!" masayang reply ni Pipipi
"una na po kami" sabi ni Rence
"wag bata ka pa" loko ng lola ko
hahaha natawa naman kami dun, mang talaga hilig magjoke

paglabas namin tsaka lang nakita ni Pipipi ang Studio sa tapat ng bahay

"oh! studio pala to eh!" sabi ni Pipipi
"ay hindiiiiii~~~ tindahan po yan!!" pilosopo kong sagot
"oh si Sir ba yun?" nakita ni Rence yung poster ni Sir Santos sa bintana ng studio.. may hawak na gitara at mikropono.
"oo si Sir yan, kanya yan" sabi ko "at yun" tinuro ko yung bahay sa tabi ng studio "bahay niya"
gulat nanaman ang dalawa "wow! music oriented talaga kayo ni Sir no?" tanong ni Pipipi "teka, akala ko ba tatay mo si Sir?" hala, naalala pa niya nung sinabi ni Sir yun 'ito pala si jazz, anak ko' haha
"HINDI! naniwala ka naman agad kay Sir?! Nakalakihan ko lang si Sir.. Kaya parang mag-ama narin turingan namin"
"aaaaaaahhhh" sambit ng dalawa
natahimik si Pipipi.. bat ba natatahimik tong lokong to?
"o sige na, uuwi narin kami" sabi ni Rence
"salamat sa sandwich, sarap ng gawa mo nay" inaasar ako ni pipipi "sige una na kami" sabi niya
"wag nga raw sabi ni mamang, bata pa kayo" sabi ko
"hahaha oo na uuwi na kami kamo" sabay tawa kaming tatlo

pagtalikod ni Rence at Pipipi nakatitig ako sakanila.. Nakangiti.. 'nice' sambit ko sa sarili.. Nakakatuwa naman tong dalawang to. pumasok na ako sa bahay.. Binuksan ko ang piano.. At tumugtog ako ng kung anong nararamdaman ko..


habang nagiisip rin ako..

Ano kayang mangyayari sa Lunes? Anung balak ni Sir? Anong plano ni Pipipi at Rence? Ano kayang itsura ng bahay ni Pipipi? O ni Rence? Gusto ko silang makilala pa.. Naeexcite ako.. xD Kasabay ng excitement ng kamay ko sa pagtugtog ng mahiwagang piano. Sana makatugtugan ko rin sila..

Nagkakainteres na ako sa mga tao.. Gusto ko na malaman pa kung anong meron sila, at anung kwento nila.. Umikot ang buhay ko, sa kwento ko at ng musika.. Di ko akalaing makakasundo ko sila. :) Ang gaan ng pakiramdam ko. Bat di ko matanggal ang ngiti sa mukha ko? Kahit naiinis at nagugulat ako palagi kay Pipipi, at hindi ko alam pano kausapin si Rence, masaya ako talaga. Eto nanaman ako! Naeexcite nanaman xD GOODLUCK NALANG SA MGA SUSNOD PANG MANGYAYARE! :D